C-2: Explore Again

1254 Words
Nakadama ng relief si Knight nang ma-solved na nito ang kanyang problem tungkol kay Cathy. Napangisi ang binata, akala naman yata ng Cathy na 'yon ay masisilo siya nito nang basta-basta! No, f*****g way, playboy nga siya pero matalino hindi tatanga- tanga. Nalaman din niyang hindi lang pala siya ang boyfriend ni Cathy tatlo pala sila pero siya ang gustong maging asawa ng dalaga. "Sorry na lang siya natapat sa akin na wala pang balak mag-asawa." Umiiling na bulong ni Knight sa sarili nito. Kapagkuwan ay nagpunta na ang binata sa may dining room. Nadatnan niya doon ang Mommy nitong abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa mahabang mesa. "Good day, Mom!" Agad na bati ni Knight sa Mommy nito sabay yapos at halik sa pisngi ng Donya. Para namang yelong nalusaw ang kinikimkim na inis ni Donya Klara. "Good day, mabuti hindi ka na naman naglagalag!" Sagot ng Donya. Agad namang umupo si Knight at nagsimula na itong maglagay ng pagkain nito sa plato. Sakto nanang dumating si Don Jethro mukhang papasok na ito sa opisina. "Hi, Hon! Kumain ka na muna bago pumasok ako ang nagluto lahat niyan." Magiliw na sabi no Donya Klara sa asawa nito saka sila nag-smack kiss. "Thank you Hon! You're the best talaga unlike sa iba diyan na kay sarap ng buhay kay laking tao na," sagot naman ng Don sabay upo. Napaubo naman si Knight at agad na napainom ng tubig saka nakangiti tumingin sa Daddy nito. "Pinariringgan mo ba ako Dad?" nagawa pang itanong ng binata. Magkasalubong naman ang mga kilay ng Don na tumingala kay Knight. "Bakit, hindi ba totoo? Puro babae na lang inaatupag mo hindi na ako magtataka isang araw may tulo ka na nga nakabilanggo ka pa! Akala mo ba tutulungan kita kapag nangyari iyon?" Sermon ng Don. Napangiwi naman agad si Knight. "Dad, papaano ako magkakatulo niyan kung gumagamit naman ako ng proteksyon? Saka, malabong mangyaring makukulong ako hindi ako kriminal Dad!' katwiran ng binata. "Damn it,, Knight! Ang dami mong palusot at katwiran, heto ang tatandaan mo ha? Isa pang pagkakamali Knight, talagang ipapakasal na kita sa kung sino mang babaeng mahuli kong ikakama mo ngayong last warning ko na sa'yo para magtanda ka!" Pagbabanta ng Don. "Ops, papsie natakot naman ako!" Natatawang turan ni Knight. Naningkit naman ang mga mata ni Don Jethro at pinakatitigan niya anak. "Hindi ako nagbibiro, Knight!" Mariin nitong sabi. "Tama na kayo nasa harap tayo ng hapag-kainan nagbabangayan kayong dalawa." Agad namang awat ng Donya sa mag-ama bago pa magkainitan ang mga ito. Nanahimik naman si Knight at kumain na ulit habang umuusok pa rin ang ilong ng Don sa inis nito sa binata. "Kaya siguro lumaki ang ulo niyan dahil kinukunsinti mo, Klara." Mababa na ang boses ng Don. "Hon, siya ang bunso malamang nasa kanya lahat ng pagmamahal at atensyon. Nga lang, hindi nag-matured!" Sagot ng Donya abay sulyap kay Knight na napangiwi. Matutuwa na sana si Knight sa sinabi ng Mommy nito pero nakaka- hurt pala sa dulo kaya naman ay aray ng binata. Mabilis na lamang tinapos ni Knight ang pagkain nito at tumayo na. "Tapos ka na?" takang tanong ni Donya Klara sa anak nito. "Yes, Mom! Mauna na ako sa inyo, ingats papsie!" Magsiglang sagot ng binata sabay beso sa mga magulang nito. Napabuntong-hininga na lamang si Don Jethro na sinundan nang tingin papalayong anak. "Kung hindi lang malambing eh naku!" Bulalas ng Don. Napangiti naman ang Donya sabay gagap sa kamay ng asawa. "Pasaway lang siya Hon, hindi rebeldeng anak." Sagot nito. "Alam ko pero minsan sumusobra na siya kailangan makahanap ako ng babaeng makakatapat niya." Giit ng Don. Nabigla naman ang Donya. "Makakatapat? Ano ang iniisip mo Hon? Huwag mong ibubugaw ang anak mo sa kung sino-sino lang ha?" "Huwag kang mag- aalala, alam kong playboy siya at isang tigasing babae ang itatapat ko. Pero, sisiguraduhin kong malinis ang babaeng iyon at hindi siya after the money lang!" Pangungumbinsi naman ng Don sa kabiyak nito. "Hon, ayoko ng hindi ko kilala alam mo ang ugali ko." "Honey, hindi ako bobo para basta kumuha na lang ng magpapatino sa anak natin." Seryosong sagot ni Don Jethro. "Teka, sure na ba 'yan?" Tila nag- aalinlangang tanong ng Donya. "Ito ay iniisip ko pa lamang, don't worry!" Sabi naman ng Don sabay tapik sa kamay ng asawa nito. "Nag- iisang anak nating lalaki si Knight, alalahanin mo." Paalala pa ni Donya Klara. Napatango-tango naman si Don Jethro maya-maya pa'y nagpaalam na din ito kay Donya Klara. Marami pa itong urgent na pupuntahan at bibisita pa ang Don sa charity event na siya ang guest doon. "Knight, hang out tayo tonight tabing- dagat!" Boses ni Genesis. "Come on, huwag niyo akong tuksuhin ngayon may last warning na ako guys." Sagot naman ni Knight. "Why? Are you afraid?" Natatawang tanong naman ni Poseidon. Group call kasi ang nagaganap sa magkakaibigan at kitang-kita nila ang mukha ng isa't-isa. "Stop teasing me!" Angil agad ni Knight. "Bahala ka diyan, but they're a lot of Chika babe doon." Tudyo naman ni Brix. Nagkatawanan ang magkakaibigan maliban kay Knight na natutukso na din. "Dapat Virginia ha?" Biglang sabi niya. "Tingnan mo ang hinayupak at may hard to get pa amputcha pero gustong-gusto naman niya." Kantiyaw ni Genesis. Muli nagkasaliw na naman ang kanilang mga tawanan. "Damuhong ka bubukulan talaga kita kapag magkita tayo!" Kunwari ay banta ni Knight sa kaibigan nito. "Bilisan mong pumarito tsong!" Hamon naman ni Genesis kay Knight. "Hintayin mo ako ulol!" Singhal naman Knight. Kantiyawan sila malala pero kahit ganoon ay walang pikunang nagaganap. Solid Hot bachelor's in town pa rin silang magkakaibigan. Ilang sandali pa ay naputol na ang kanilang tawagan. Sinamantala naman iyon ni Knight upang hanapin ang kanyang Mommy upang magpaalam. Good boy muna siya sa mga sandaling iyon para naman hindi siya laging bad shot sa Mansyon. Aminado siyang nasa hustong gulang na siya pero need pa din niyang magpaalam bilang isang mabait na anak kuno. "Mom, may lakad ang tropa mamaya sama ako ha? Uwi ako bukas nang maaga!" Sabi ni Knight sa Ina nito pagkatapos niya itong lambi- lambingin. "Aha! Kaya pala napakalambing mo ngayon," buska ng Donya. Agad namang niyakap ni Knight ang Mommy nito sabay halik sa noo ng Ginang. "Please Mom? Mabuburyong ako kapag magkukulong lang ako dito. Promise, no chicks involved!" Ungot pa ng binata na may pa- cute gesture. Napabuntong-hininga na lamang si Donya Klara, sino bang Ina ang tatanggi kapag ganoon kalambing at ka-cute kung makiusap? "Sige pero no alcohol din okay?" Pagpayag naman na ng Donya. "Yes!" Masayang bulalas ni Knight st napatalon pa ito sa ere. Natatawa na lamang na napapailing-iling si Donya Klara. Parang kailan lang na bata ang kanyang bunso ngayon puwede ng mag- asawa. "May laman pa ba ang mga cards mo?" Naalalang itanong ng Donya sa akmang aalis na sanang si Knight. "Ahm..hindi ko pa na- check Mom. But I will call you if I need your help regarding my money." Malambing na sagot ni Knight. "Okay, take care my son!" Sagot ni Donya Klara sa anak nito. Masaya namang tumango si Knight at mabilis na itong bumalik sa kanyang kwarto. At dahil papadilim na kailangan na niyang gumayak. Hindi na niya hihintayin ang oras na usapan nilang magkakaibigan. Honestly ay kaninang umaga pa ito bagot na bagot kaya atat na atat na siyang mag- explore ulit. Tutal naman ay alam na niya ang address ng nasabing resort. Medyo may kalayuan pero paniguradong mag- i-enjoy siya sa panibagong environment na kanyang pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD