There's nothing to be free like an eagle that can spread his wings in the sky. Ganyan ang pakiramdam ng magto-tropa sa pagdalo nila ng isang okasyon sa may bagong beach resort. Ang promise ni Knight na walang alak, walang babae at walang pasaway ay nakalimutan na naman nito.
Medyo lasing na sina Knight no worries naman sila dahil malapit lang ang kanilang kinuhang kwarto sa beach and hotel resort na kanilang pinuntahan. Kaya anytime they can go with their respective rooms if ever na talagang hindi na nila kaya.
"Hey, Knight there's a girl na kankna pa agaw ang atensyon ko." Anas ni Genesis kay Knight.
Nahinto si Knight sa pag-inom sana nito sa kanyang alak at agad na napatingin sa mukha ni Genesis.
"Where?" Tanong nito.
Kanina pa sila nagsa- sight seeing ng mga girls na kanilang makakapiling sa gabing iyon. Pero karamihan sa mga nandoon is foreigners which is hindi papasa sa kanilang mga standards. Mas gusto nila ang pure Filipina wika nga nila masyado daw wild ans liberated ang mga dayuhan. Kaya pass talaga sila sa mga ibang lahi no one knows kung ano ba ang taglay nilang sakit kung mayroon man. Mahirap silang hanapin kapag nagkagipitan at nagkagulo unlike kapag Filipina, mahahanap nila kasi maliit lng ang buong Pilipinas.
"She's not as hot as we expected pero may kakaiba siyang taglay na karisma. She's having curly long hair, brown skin pero ang ganda ng hubog ng katawan niya hindi mo napansin?" Sabi pa ni Genesis.
Papaano naman mapapansin ni Knight ang babaeng tinutukoy ni Genesis eh sa ibang mga girls siya nakatingin. Lalo na 'yong grupong maingay kanina ang lalaki ng mga hinaharap nila nakakagigil.
"Saan bang banda?" Iritado na si Knight ang tagal kasing sabihin ni Genesis.
Natawa naman si Genesis. "Huwag kang atat,"
Tinungga tuloy ni Knight ang nahinto niyang alak na kanyang iinumin kanina.
"She's over there," biglang bulong ni Genesis sa punong tainga ni Knight.
Agad na lumingon si Knight sa itinuro ni Genesis na kinaroroonan ng babae. And Genesis was right, maganda ang tinding ng babae, kayumanggi ito may mahabang buhok na kulot may kaliitan nga lang pero may kakaiba nga itong Karisma.
"Wanna bet?" May kakaibang ngiti sa labi no Genesis.
Napatingin ang lahat kay Knight.
"Ako sana kaya lang ikaw ang leader so, ikaw muna ang susubok bago kami." Nakangisi pang sabi ulit ni Genesis.
"What's the prize?" tanong naman ni Knight sa babae pa rin nakatingin.
"My new sports car," walang gatol na tugon ni Genesis.
"Nah, I don't want your sports car walang panaman sa sports car ko idiot!" Sagot ni Knight sabay kutos kay Genesis.
Nagkatawanan silang magbabarkada.
"Sino ba 'yan?" tanong naman ni Brix.
"See it for yourself," malawak ang ngiting sabi ni Genesis.
Nilingon naman ni Brix ang kinaroroonan ng babae. At napapalatak ito nang masilayan ang babae lalo na nang bahagyang lumingon ito sa kanilang kinaroroonan.
"Hindi siya maputi kagaya ng iba dalagang Pilipina ang kutis niya pero nangmamagnet amigo!" Bulalas ni Brix.
"Holy wow!" Sabi naman ni Poseidon nang tiningnan din nito ang babae.
"Premyo mga hangal atat na ako!" Gigil ni Knight.
Sabay silang nagkatawanan.
"How about a yacht?" Tanong ni Poseidon.
"Call!" Sang-ayon ni Knight at tumayo na ito saka naglakad patungo sa kinaroroonan ng babae.
Agad namang nag- apiran ang magkakaibigan at excited na panoorin kung papaano na namang tumuka ng palay ang pinaka- hot nilang leader na si Knight.
"Hi, are you alone?" Agad na tanong ni Knight nang malapitan niya ang babae.
Tiningnan lang ng babae si Knight at muli nitong ibinaling ang tingin sa mesa. Medyo, napahiya doon si Knight hindi siya sanay na madedma. Usually, kapag nag- approach siya sa isang babae, tingin pa lang at ngiti niya kinikilig nang hindi mawari. Pero itong babaeng nasa harapan niya ngayon, kakaiba dinedma siya kahit pa ipinakita na niya ang dalawa niyang dimple at pang -malakasang ngiti.
Tumikhim si Knight at tuluyan nang tumabi sa dalaga. Lihim niya itong pinagmamasdan, mahahaba ang pilik ng mga mata nitong bilog na bilog kung makatitig. At kakaiba din ang amoy nito, noon lang naamoy ni Knight ang ganoong klaseng pabango ng isang babae, interesting talaga!
"I can accompany you tonight if you like," sabi pa ni Knight.
Tumigil ang babae sa ginagawa nito, noon lang napansin ni Knight na blue book ang nasa mesa ng babae at mukhang records iyon ng hindi niya alam kung ano.
"Sorry sa interruption but you caught my eyes kanina pa." Mas pina-swabe pa ni Knight ang boses nito.
Muling tumingin ang babae kay Knight but this time nakataas na ang isang kilay nito.
"Puwede bang umalis ka sa harapan ko? Iniistorbo mo ako may ginagawa ako dito," mataray na sagot ng babae.
Anong lawak ng ngiti ni Knight pati boses ng babae kay gandang pakinggan kahit na mataray ito. Saka, mukhang matsa-challenge siya ngayong gabi dahil medyo pakipot ang babae.
"I can help you then, I insist!" Giit pa ni Knight.
"Talaga? Oh, ikaw na mag-compute kung magkano ang kinita today at kung magkano ang nailabas. Idagdag mo din ang bilang guest, costumers at kung ilan pa ang dapat na oorderin for tomorrow." Walang pakundangang tugon ng babae.
Gulat si Knight sa katarayan ng babae at sa walang preno nitong bibig. Lalo na nang iusog ng babae ang blue book saka ballpen sa harapan ng binata. Napaawang tuloy ang labi ni Knight at napatitig sa babaeng nasa kanyang harapan.
"Oh, ano ayaw mo? Tutal nagpupumilit kang istorbohin ako ano? Ayokong magtaray sa mga costumers pero kung kagaya mong makulit papatol ako hindi ka kawalan dito!" Tirada pa ng babae.
"Wait... I'm sorry pero hindi ko alam! I thought you are alone kaya kita nilapitan," depens naman ni Knight.
Napangisi naman ang babae. "Linyahan 'yan ng mga lalaki na playboy akala mo ha? Style mo bulok,"
Parang kumapal ang mukha ni Knight para na din siyang nasampal kahit hindi naman. The first time na makaharap siya ng babaeng may lahing amazona at Gabriela Silang.
"May problema ba dito Prehea?" biglang tanong ng isang waiter.
Tiningala naman ng babae ang nasabing waiter na kay Knight nakatingin.
"Wala naman makulit lang itong feeling pogi na ito. Sige na, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo!" Maalumanay na ang boses ng babae.
"Akala ko ginugulo ka na niya," nakairap namang sabi ng waiter saka ito dahan- dahang lumayo.
"So, ikaw Mr. Kulimbat isaksak mo sa kukote mo ito. Hindi lahat ng babae bibigay diyan sa karisma mo, ibahin mo akong araw-araw ay nakakasalamuha ang isang kagaya mo." Baling naman ni Prehea kay Knight.
Napakurap-kurap naman si Knight para itong nahimasmasan sa kanyang pagkalasing kanina.
"I'm Knight. Wala akong intensyon ng kagaya sa sinasabi mo," pagsisinungaling na sagot ni Knight ayaw niyang i-admit na may babaeng nang-reject sa kanya.
"So? Puwede ka ng umalis nakakaistorbo ka," mataray na pagtataboy ng dalaga kay Knight.
"All right! Madali lang naman akong kausap dahil wala naman akong ibang intensyong iba sa'yo. Nice meeting you, baby girl!" Nakangiting sagot ni Knight at tumayo na ito.
"Nice meeting you too, gabi!" Malamig na tugon ni Prehea.
Natawa tuloy si Knight sa sinabi ng dalaga.
"Anong tawag mo sa akin?" tanong pa nito.
"Gabi! Hindi ba Knight ang pangalan mo? Sa tagalog, gabi hindi ba?" Ulit naman ni Prehea.
"Knight with silenk K, Miss Prehea. I'm Thunder Knight Villagracia by the way," pagkumpleto ng binata sa kanyang pangalan.
Biglang taas muli ang mga kilay ni Prehea nahihimigan niya ang kayabangan ni Knight.
"Oo na sige na at medyo mahangin na dito," sabi na lamang ng dalaga.
"Mahangin?" Kunot noong tanong ni Knight.
"Mahangin nga kaya puwede bang umalis ka na para maipagptuloy ko itong aking ginagawa?" Naiiritang Turan ni Prehea sabay piksi.
Tumango-tango na lamang si Knight pero laglag ang mga balikat nito. May kung anong kirot ang nasagi sa kanyang ego at hindi niya iyon matatanggap. Siya, ni-reject ng isang ordinaryong babae? For the first time, really? It hurts sa kanyang ego kaya kailangang may gagawin siya para makabawi. Lahat ng mga babae ay nagkakarandapa sa kanya lalo na ang mga anak mayayaman pagkatapos in just one na-reject lang siya ng isang babaeng out of nowhere? Ah... masakit talaga ang kanyang ego kaya naman mas nag-order pa si Knight ng alak saka ito bumalik sa mesa nilang magkakaibigan. Need niyang mkakuha ng advice at suggestions sa mga kapwa niyang hottest bachelor's in town. At talagang hindi maganda ang kanyang pakiramdam sa gabing iyon may nagpupuyos at nagsusumigaw sa kanyang kaloob-looban na baka mamaya ay hindi na niya malabanan.