C-4: A Mistake

1412 Words
Hindi mawaglit sa isipan ni Knight ang kaisa- isang babaeng nang-reject sa kaguwapuhan niya kagabi. Masakit sa ego, naiinis siya at hindi maka-move on hindi siya sanay. Lalo na at kawawa siya sa tukso kina Poseidon na nagsasabing nawawala ang kanyang Karisma sa isang babae. Kaya naman naipangako niyang kukuhanin niya ang kalooban ng Prehea na iyon. Papatunayan niya sa barkada na hindi pa nawawala ang kanyang karisma pagdating sa mga babae. Puyat man si Knight ay maaga pa din itong nagising at muling bumalik ng bar na kanilang pinanggalingan kagabi. Nagbabakasaling makita niya ulit ang babaeng mataray. Maganda din naman ang mga bar sa nasabing beach and hotel resort. Dahil ang bar sa gabi ay restaurant sa umaga hanggang tanghali. Ang galing naman ng may-ari mataba ang utak talagang business minded ito. "One black coffee please no sugar," order ni Knight sa counter nang nakarating ito doon. "Iyon lang ba?" malambing na sagot ng babae na nasa counter. Noon lang napansin ni Knight na kay lagkit ng titig nito sa kanya. Lihim namang napangiwi si Knight kung mamalasin ka nga naman. Umagang- umaga may nagkakarandapa na naman sa kanya. Well, ganoon talaga kapag sobrang guwapo palay talaga ang siyang lumalapit sa matindig na roaster. Subalit wala siyang ganang makipaglandian sa mga oras na iyon. Dahil may sadya talaga siya sa nasabing kainan sa tabing dagat. "Toasted bread makes it two thanks!" Sagot naman ni Knight. Kay tamis ng ngiti ng babae sabay tango at may pakembot- kembot pa itong nalalaman saka tumalima sa order ni Knight. Nag-asim kilig naman ang mukha ni Knight at mabilis na itong lumayo sa counter saka naghanap ng bakanteng mesa. "Bakit ganyan ang hitsura mo Belle? Para kang nakakain ng alay galing sementeryo na para bang may kiti- kiting napunta sa puwetan mo!" Naka- kunot noong tanong ni Prehea nang makita ang kababata nitong parang baliw na nakangiti at hindi mapakali dahil kinikilig. "May guwapo kasi tayong costumer early in the morning!" Impit na tili ni Belle. Inirapan naman ni Prehea ang kanyang kababata at siyempre best friend niya na din. "Lahat naman sa'yo guwapo eh!" Buska ng dalaga. "Hindi! Kakaiba ang guwapo niya, makalaglag laway na makalaglag panty pa!" Kinikilig pa ring sabi ni Belle at may papikit-pikit pang nalalaman. "Sus, hindi ka na nadala sa marami mong break up dahil mahilig ka sa guwapo! Kailan ka kaya madadala at magtitino ano?" Nakaismid na tugon ni Prehea. Ngumiti naman si Belle. "Hanggat pumipintig itong tinggil ko go lang ng go!" "Tumigil ka nga Belle, malas sa negosyo ang pagiging malandi!" Singhal naman ni Prehea. Napalabi naman si Belle na tumingin kay Prehea. "Tatanda kang dalaga kapag hindi ka pa lumandi Precious Heart Dominguez sinasabi ko sa'yo!" Wika naman ni Belle sa nagbabantang tinig. "Wala akong pake, ako na ang magdadala sa order ng lalaking sinasabi mo at baka bantayan mo na naman hanggang sa maging kayo." Muling singhal ni Prehea sabay agaw sa food tray na hawak ni Belle. "Ay ang bruha mo talaga!" Bulalas na lamang ni Belle dahil wala na itong nagawa pa. Malalaki ang hakbang ni Prehea na lumabas mula sa pinaka- kusina ng kanilang restaurant. Iginala niya ang kanyang paningin upanh hanapin ang mesang may number na 16. Natigilan si Prehea nang mahagip ng mga mata nito ang binatang sinasabi ni Belle. Napagmasdan niya ang binata, naalala niyang ito ang lumapit sa kanya kagabi at akmang popormahan siya subalit hindi umubra. Napangisi si Prehea, oo guwapo ang lalaki hindi maipagkakaila pero mahangin ito. At one hundred percent na playboy galawan pa lamang ng lalaki ay alam na niya. Pero, infairness ay guwapo talaga ito malakas ang dating pero wala siyang pakialam at wala siyang interes. Para ka lang nanguha ng bato na ipinukpok mo sa iyong ulo kapag pumatol ka sa lalaking babaero. "Your order," malamig na sabi ni Prehea sa binata sabay lapag ang food tray sa ibabaw ng mesa. Usually ay self service ang kanilang restaurant noon pero may bigla lang issue kaya pinalitan nila ang policy na iyon. "Prehea?!" Bulalas ni Knight nang makilala niya ang dalaga. "Naks, lakas ng memory mo ah!" Sabi naman ng dalaga. Ngumiti naman si Knight nang napakatamis pero sa loob- loob niya ay hindi niya inaasahang dininig ng langit ang kanyang nais sa umagang iyon. "Kay ganda naman ng umaga ko at ikaw ang aking nasilayan agad." Padulas pa ng binata. "Ah talaga ba? Sa akin kasi biglang pumangit ang umaga nang masilayan kita. Tantanan mo ang kaibigan ko ha? Huwag mong idagdag sa iyong collection alam kong playboy ka!" Pambubuska naman ni Prehea kay Knight. Halos maibuga ni Knight ang kapeng nasa loob ng bibig nito pagkarinig sa sinabi ng dalaga. "What?! S-Sinong kaibigan mo?" Gulat si Knight wala naman siyang alam na kaibigan ni Prehea na nilandi niya sa kanyang pagkakaalam. "Sus, kunawari ka pa! Bistado na nga kita nagkakaila ka pa riyan." Nakaismid na sagot ni Prehea. Natawa na lamang si Knight dahil talagang hindi niya alam ang sinasabi ni Prehea. "Wala akong nakilalang babaeng kaibigan mo, I swear!" Tugon na lamang ni Knight sabay iling. "Wala ba? Hindi mo maalala 'yong magandang dalaga kanina sa may counter?" Inis na turan ni Prehea. Napaawang naman ang labi ni Knight nang maalala nito ang babaeng nagpapakita nang motibo sa kanya sa may counter kanina. "I didn't know her either kaya papaanong tantanan ko siya. I don't know her name, even her face. I just ordered coffee and toasted bread that's all." Paliwanag ni Knight pero gusto lang naman niyang humaba pa ang usapan nila ni Prehea. Ang babae naman ang dahilan nang pagpunta niya doon and the rest ay bonus na lang if ever. Saka walang pakialam si Knight sa kaibigan ni Prehea na sinasabi ng dalaga. "Todo deny ka pa ha? Huwag kang magkakamali, hindi barbecue ang mga babae pata tuhugin mo nang sabay-sabay." Pagbabanta pa ni Prehea. Muling natawa si Knight. Ang ganda pa din kasi ni Prehea kahit pinanlalakihan na niya nang mata si Knight. "Hey, do you know me that much para pagbintangan nang kung ano- ano? Don't worry I'm not interested to your friend," anito. Natameme naman si Prehea saka napakurap-kurap. Nasobrahan yata nang dalaga ang panghuhusga nito sa guwapo nilang costumer. Subali was stunned by he was t napindot pa din ang dalaga sa banta at paalala niya kay Knight. Mas maganda na ang advance wika nga ni Prehea. "Ah basta! I will keep my eye on you," giit naman ni Prehea sabay talikod na at umalis. Natatawa na lamang si Knight saka napapailing-iling. Malay ba niya sa drama ng babaeng nasa counter kanina. Hindi naman niya inaano ang babae bagkus ay nginitian pa niya ito kanina at hindi pinansin ang paglalandi nito sa kanya. Tapos kamukat- mukat ay may nagawa na pala siyang kasalanan na hindi niya alam. "Anong sinabi mo doon sa pogi?" agad na tanong ni Belle kay Prehea nang makabalik ito sa loob. "Sinampulan ko na para hindi mamihasa," walang gatol na sagot ni Prehea. Nanlaki naman ang mga mata ni Belle sabay silip sa kinaroroonan ni Knight na mesa. "Hoy, buwakang ina mo! Wala siyang ginawa sa akin ako ang lumandi sa kanya hitsura nito!" Baling ni Belle kay Prehea. "Bastos talaga ng bunganga mong talipandi ka kalbuhin kita riyan eh!" Singhal naman ni Prehea sa kaibigan nito para ikubli ang kanyang guilt. "Kanino ko ba natutuhan ha? Saan ba ako nagmana?" Sabi naman ni Belle na nanlalaki ang mga mata nito. Kinutusan naman ito ni Prehea. "Aga-aga pinapakulo mo ang dugo kampana ha?" Pandidilat din ni Prehea. Nahimas na lamang ni Belle ang sarili nitonv ulo na kinutusan ni Prehea. "Mag- soryy ka kaya doon," nakangusong wika ni Belle. "Ikaw na tutal nilalandi mo naman hindi ba? Pero huwag kang iiyak- iyak sa akin kapag niloko ka naman ng pogi na iyon!" Muling singhal ni Prehea saka nito iningusan si Belle at iniwan. "Tingnan mo itong manang na ito balat sibuyas amputcha," bulong naman ni Belle sa kanyang sarili habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong si Prehea. Kapagkuwan ay muli nitong sinilip si Knight sa mesa nito. Pagkatapos huminga nang malalim ni Belle ay nagpasya na itong lapitan si Knight upang humingi ng paumanhin sa ginawa ni Prehea sa kanya. Bigla tuloy nakadama ng hiya si Belle sa ginawa ni Prehea na pagsalakay sa binata na hindi man lang nagtatanong ito sa kanya. Nag- base na naman ang kanyang istriktong kaibigan sa nasabi nito kanina, paladesisyon yarn?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD