Pupungas pungas na bumangon ako. Madaling araw na ako nakatulog. Namamahay siguro ako. Anyway, unang gabi ko pa lang naman dito. Sinamantala ko na din na ituloy yung sinusulat kong romance story para naman may katuturan iyung pagkapuyat ko.
Pagkababa ko sa kama ay dumerecho ako sa kusina at saka nagsalang ng pang-kape ko sa coffee maker.
In fairness ang sosyal ng coffee maker! Pwede kang mamili ng gusto mong timpla - black, cappuccino or latte. Iba talaga ang mayayaman!
Pagkasaksak ko sa machine ay kumuha ako ng mug sa cupboard. Maraming mug doon pero bukod tanging yung isa ang umagaw ng atensiyon ko. Para kasing inuutusan ako nung mug na piliin ko siya.
Ang sosyal kasi ng dating!
Ingat na ingat na hinugasan ko ito sa lababo at saka inilapag sa tabi ng coffee maker. Nagpunta ako sa CR para magmumog at maghilamos muna habang hinihintay ko ang kape.
Inabot ko ang isang pantali at saka tinalian ang mahaba kong buhok. Pagkatapos ay nagmumog na ko sa lababo doon. Agad din akong naghilamos lalo na nang naamoy ko na yung aroma ng kape.
Agad kong tinapos ang paghihilamos. Pag-angat ko ng mukha ko ay agad kong hinagilap ang maliit na towel na nasa gilid lang ng lababo. May nadaanan akong imahe nung saktong napatingin ako sa salamin sa tapat ng lababo.
Agad akong lumingon sa likod. Nakita ko ang imahe ng isang lalaki na matamang nakatingin sa akin.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" nagpa-panic kong tanong.
Nakita kong tila naguluhan ito.
Sh*t! Nakalimutan ko bang i-lock ang pinto kagabi?
"Ikaw ang paano nakapasok dito?" balik-tanong nito sa akin.
Napaawang ang bibig ko.
Sino ba to para kuwestiyunin ako? Hindi kaya...
"I-ikaw ba si K-kla-- I mean si Sir Klarence?" nauutal kong tanong.
Kumunot ang noo nito.
"Klarence?" balik-tanong uli nito.
"Oo. Hindi ba yun ang pangalan mo? Ang boss ni Tito Hernan ko? Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ko uli dito.
Lalo pa yatang kumunot ang noo nito.
"Hernan? Boss?" pag-uulit nito sa sinabi ko.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Anak ng--! Nakakaurat ka ah!" napipikong sabi ko dito. Pero sa totoo lang nakaramdam na din ako ng takot.
Paano kung hindi si Sir Klarence ito, na boss ni Tito Hernan? Paano kung magnanakaw pala ito. O r****t? O serial killer?
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ako makakapag-isip ng mabuti kung paiiralin ko ang takot ko. Patay-malisya akong lumabas ng CR at saka ito naglakad pabalik sa kusina. Nilagpasan ko iyong lalaki.
Tahimik akong nagsalin ng kape sa mug habang pinakikiramdaman ang galaw nung lalaki. Naramdaman ko na lang na parang may tao sa likod ko. Pagharap ko ay andun nga yung lalaking iyon. Ewan ko ba. Pero sa puntong ito ay tila hindi na ako nakakaramdam ng takot sa kanya. The fact na hindi ako sure na si Sir Klarence nga siya at kung paano siya nakapasok sa loob.
Ewan ko ba, bakit magaan ang loob ko sa taong ito!
"Excuse me....mug ko yan." biglang sabi nito nang aktong hihigop na ako ng kape.
Napahinto ako sa gagawin koi sanang pag-inom ng kape at saka napaawang ang bibig ko. Mataman ko itong pinagmasdan. Matangos ang ilong, may deep set eyes, prominent ang panga nito na bumagay naman sa kanya. Hindi ko pa nakita ng personal si Klarence Montenegro at wala din naman akong nakitang picture niya dito sa bahay.
"So, ikaw nga si Sir Klarence?" tanong ko dito habang hawak ang mug na sinasabi niyang kanya.
"Hindi. No! I mean....hindi ko alam." nalilitong sagot nito.
Napakamot ako sa ulo ko. May saltik yata ito?
"Anong hindi mo alam? Ayan ka na naman eh.... iinisin mo na naman ako!" sabi ko dito.
Takas ba ito sa mental? Sayang naman! Ang guwapo naman nitong may diprensiya sa utak.
Pero ganunpaman, nag-umpisa na akong kabahan. What if, baliw nga itong taong nasa harap ko? Baka kung anong gawin sa akin nito! Ayoko pang mamatay, Diyos ko! Ang gusto ko lang po ay magsulat ng mga love story pa….
"Hi-hindi ko alam ang pangalan ko..." narinig kong sabi nito, pero parang mas kausap niya ang sarili niya at hindi ako.
"What? Ako ba nilokoko mo? Hindi ko bibilhin yang kalokohan mong yan baka akala mo! Magnanakaw ka noh! Gusto mong pagnakawan ang bahay na to! Tatawag ako ng pulis!" sabi ko dito.
"I'm...I'm telling the truth..." malungkot na sabi nito.
Natigilan ako. I can see in his eyes that he is telling the truth. Siya nga ba si Klarence Montenegro? Pero bakit hindi niya alam?
"Tama! May amnesia ka..." sigurado kong sabi.
"Hindi totoo yan. Bakit ko alam na sa akin iyang mug na yan? At bakit alam kong dito ako makatira?" tila inis nitong sabi.
Inirapan ko ito. Ang sungit!
"Umalis ka na sa bahay ko." narinig kong sabi nito.
" Aba! Teka muna... Patunayan mo muna sa akin na ikaw nga talaga ang may-ari ng bahay na ito! Hindi yung basta-basta mo na lang ako paaalisin. Unang-una hindi naman ikaw ang nagpatira sa akin dito so bakit ako aalis?"
"Nandito ako kaya akin ito." sabi nito.
"Excuse me? Hindi yun ganun-ganun lang, noh!" mataray na sabi ko dito.
"Then what?" iritableng tanong nito.
Humigop muna ako ng kape bago ako nagsalita.
"ID.... patingin ng ID,..." sabi ko dito sabay lahad ng kamay ko.
Umiling ito.
"Wala ako kahit ano sa katawan ko." sabi nito.
Tumaas ang isang kilay ko.
"O sige. Kung talagang dito ka nakatira. Magsabi ka ng isang bagay na mapapatunayan mong dito ka nga nakatira."
Nag-uumpisa na kong kabahan sa lalaking ito pero hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Hindi din naman ako nag-aalalang isa siyang magnanakaw o mamamatay- tao. Kita naman sa mukha niya ang sinseridad ng mga sinasabi niya. Pero napaka-misteryoso niya.
Nakita kong parang nag-isip ito. Humigop uli ako ng kape ko habang mataman ko siyang pinagmamasdan. Nang tila biglang nagningning ang mga mata nito.
"Tama!" masayang sabi nito.
Nakatingin lang ako dito habang naghihintay ng sasabihin pa niya.
"May mini-garden ako sa labas. Sa may pool!"
Hindi ako nakasagot. Oo. Tama naman. Pero pakiramdam ko ay hindi sapat ang impormasyon na yun para masabi niyang sa kanya nga ang bahay na ito at siya ay si Klarence Montenegro.
Ibinaba ko ang mug at saka naglakad papunta sa mesa kung saan nakalagay ang phone ko. Nag- umpisa akong mag-dial.
"Anong gagawin mo?" tanong nito.
"Tatawagan ko si Tito Hernan." anunsiyo ko.
"Wait."
"Kausapin mo ha..." sabi ko dito.
"Sandali... hindi ko siya... kilala? O naaalala?" sabi nito.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Pinatay ko ang tawag.
"Get out of this house before I call the police." sabi ko sa kanya.
"Pero bahay ko ito!" may diin niyang sabi.
"You have no evidence!" sagot ko sa kanya.
"I told you about the mini-garden outside and-"
"It's not enough!" inis kong sabi dito.
Gusto kong maniwala sa kanya pero kailangan ko ding protektahan si Tito Hernan. Nag- magandang loob lang siyang patirahin ako dito.
Baka mamaya magnanakaw nga ang lalaking ito. Or worse... serial killer pala!
Bigla akong kinilabutan sa naisip ko.
God! Ayaw ko pa pong mamatay! Gusto ko pa pong magka-asawa at magka-anak...
Nakita kong hesitant itong umalis sa harap ko. Pinilit kong pinatapang ang sarili ko kahit na nanlalamig na ang mga kamay ko.
"Ano pang hinihintay mo? Alis na!" sigaw ko dito.
Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong makita ang nagmamakaawa nitong mga mata. Baka maawa ako at bumigay ako. Mahirap na. Baka yun pa ang ikapahamak ko.
"Isa...." sabi ko na hindi pa din tumitingin sa kanya.
Nakita ko sa sulok ng mata ko na bumaling na ito sa direksiyon ng pinto pero parang nagda-dalawang isip pa.
"Dalawa... hindi ako nagbibiro. Tatawag talaga ako ng pulis!" anunsiyo ko dito.
Pinilit kong pakalmahin ang boses ko para hindi niya ma-detect na may takot na akong nararamdaman. Palihim na pinagala ko ang mga mata ko sa paligid. Kailangan kong makakita ng isang bagay na pwede kong ipanglaban sa kaniya kung sakaling magtatangka ito laban sa akin.
Nakita kong nag-umpisa na itong maglakad papunta sa pintuan. Pigil ko ang aking hininga habang sinusundan ko ito ng tingin.
Pero pakiramdam ko ay talagang huminto ang paghinga ko nang makita ko itong tumagos sa pintuan. Kasabay ng pagtatayuan ng mga balahibo ko sa buong katawan ay ang pagdilim ng paningin ko.
~CJ1016