ALL BY MYSELF

1071 Words
            Kanina pa ako nag-send ng text kay Tito Hernan pero wala pa rin itong reply hanggang ngayon. Sinubukan ko ring tawagan ito pero hindi ako maka-connect sa kanya. Tuloy ngayon, dalawa na ang pinag-aalala ko. Yung pagbalik nung lalaking multo at kung ano na bang nangyayari kay Tito Hernan.             Mula nung magising ako mula sa pagkawala ko ng malay ay hindi na ko natahimik. Hindi ko lubos-maisip na nakipag-usap ako sa isang multo nang may kung ilang minuto din.             Sino ba kasi ang mag-aakala na multo ang guwapong lalaking yun? Muntik pa nga akong nagka-crush sa kanya kung hindi ko lang nabuking agad na multo siya. Iba ang karisma niya. Kung makatingin pa siya, para bang binabasa ka niya. At ang ganda ng built ng katawan niya....             Wait....OMG!! Annika Sandoval??? Pinagnanasaan mo ang isang multo?             Dali dali kong hinagilap ang remote ng TV para buksan ito at saka nilakasan ang volume. Kailangan maingay ang paligid ko para hindi niya ako lapitan.             Nagmamadaling nagpunta ako ng kuwarto para kunin ang laptop ko. Kailangang may gawin ako. Baka mabaliw ako sa takot.             Bumalik ako sa kusina dala ang laptop ko at saka binuksan ito. Ang balak ko sana ay ipagpatuloy ang ginagawa kong kwento. Pero nakailang tipa na ako pero bawat pangungusap na tipahin ko ay agad ko ding binubura. Nakakapagtakang wala akong matapos ni isang pangungusap man lang. Puro umpisa lang ng sentence at hindi ko na maituloy.             Ugh! Badtrip... mga ilang araw at kukulitin na ako ng editor kong si Bessie.             Sa tagal ko nang pagiging writer, ngayon lang ako nagkaganito. Siguro, dahil noon ay inspired akong sumulat dahil kay Kiefer? O dahil sa apektado ako nung guwapong multo?             Dinampot ko ang phone at saka idi-nial uli ang number ni Tito Hernan. Pero ganun pa din naman ang naririnig ko sa kabilang linya. Sinubukan ko ring mag-text. Baka sakaling sumagot na ito.    To: Tito Hernan Tito, where are you? Puntahan mo ko dito.             Inilapag ko ang phone sa tabi ng laptop ko. Hindi mapakaling muli ko itong dinampot at saka nag-dial uli. Nakakailang ring na ang tinatawagan ko ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko.             Come on, Beron... answer the phone...             Sa tingin ko ay kailangan ko ng makaka-usap ngayon, kung hindi ay baka mabaliw ako. Parang may narrinig akong kaluskos kahit wala naman. Mapa-praning ako dito sa kaiisip!              Dalawang ring pa at sa wakas ay sumagot na din si Beron sa tawag ko.    "Beron! Ano bang ginagawa mo? Ang tagal mo namang--" [“F-Friend... w- wrong timing... ka namang.... Ohhhh... Aqui…."]               Napakunot-noo ako. Inalis ko pa ang phone ko sa pagkakadikit sa tenga ko at saka tiningnan ang screen nito.  Number naman ni Beron ang nai-dial ko. Boses naman ni Beron ang narinig ko.             Bigla kong natampal ang noo ko. Muli kong ibinalik ang phone sa tenga ko at saka malalim na humugot ng hininga. Obvious na may ginagawang kababalaghan itong babae na ito ngayon base sa naririnig kong mga ungol sa kabilang linya.   "Beronica Escarlan! Ano ka ba?!" [D-Dumating...kasi…si....ahhhh....Aqui....shit!"]                Naiinis na agad kong pinatay ang tawag ko kay Beron. Ako pa talaga ang wrong timing? E siya nga itong ang aga-aga, ni wala pang tanghaling tapat, pero yung activity niya sa gabi lang dapat ginagawa! At hindi man lang siya nahiyang sagutin ang tawag ko!             Napabuntong-hininga na lang ako. Dumating pala si Aqui na boyfriend ni Beron. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. Wala na akong alam na iba pang pwedeng tawagan. Bukod kay Tito Hernan at Beron, ay si Kiefer na lang ang natitirang taong malapit sa akin.             Noon yun, Annika. I know, right?             Bigla na naman akong nakarinig ng kakatwang tunog. Nataranta tuloy ako. Saka ko lang na-realize na iyong tunog pala na narinig ko ay nanggagaling pala sa mismong tiyan ko. Alas-onse na ng umaga at wala pa pala akong almusal man lang. Dali-dali na akong tumayo at saka naghalungkat ng mailuluto sa ref.                MEDYO kalmado na ako nang makakain ako ng brunch. Pero nag-aalangan pa din akong umalis dito sa kusina. Pakiramdam ko, kapag nagpunta ako sa ibang parte ng bahay ay makakasalubong ko na lang iyung lalaking multo.             Lalo na ang maligo! Paano kung silipan ako ng multong yun??             Pero nanlalagkit na ang katawan ko. So ang choice ko sa ngayon ay makita ng multong yun ang katawan ko o bumaho ako. Sabagay, wala namang namamatay sa baho, di ba? Pero sa takot, marami!             Nalilitong dinampot ko ang phone ko at saka tiningnan ang screen. Pero maliban sa games at Web Pad notifications ay wala akong nakitang message notification galing kay Tito Hernan at Beron.             Asan na ba kasi si Tito Hernan?             Huling paalam niya kahapon ay pupuntahan niya ang boss niya. Bakit hindi ko na ito makontak?                 HINIMAS-HIMAS ko ang batok kong nangawit. Nakatulog pala ako habang nakayuko sa mesa. Medyo madilim na din. Dinampot ko ang phone ko para sana tingnan ang oras pero dead battery na pala ito.             Naihilamos ko uli ang kamay ko sa mukha ko. Mannerism ko na ito kapag naiinis ako o napu-frustrate ako. Paano ba naman, nasa kuwarto yung charger ko at wala akong choice kung hindi kunin ito doon. Baka mamaya ay tumatawag na o may text na si Tito Hernan.             Dahan-dahan akong tumayo habang nakikiramdam sa paligid. Agad kong sinindihan ang una kong nadaanang light switch. Hula ko ay maga-alaskuwatro o alas-singko na ng hapon kaya medyo madilim na dito sa loob. Lahat mg madaanan kong light switch ay ino-on ko. Kung tama ako, sa pagkakaalam ko ay takot ang multo sa maliwanag.             Agad akong nagbalik sa kusina at saka nag-charge. Wala akong sinayang na oras at agad kong in-open ang phone ko. Pero nalungkot lang ako nang wala pa rin akong nakitang missed call o unread message galing kay Tito Hernan. Hindi ko na inaasahan si Beron. Malamang lango pa yun hanggang ngayon!             Napahawak ako sa magkabilang sintido ko at saka nakapikit na sumandal ako sa upuan. Parang bigla na lang sumakit ang ulo ko. Ano bang gagawin ko ngayon?             Gusto ko na sanang umalis sa bahay na ito. Pero paano? Wala akong kalam-alam dito sa Manila? Ngayon lang ako tumuntong dito. Pinagbigyan ko lang naman si Tito Hernan na magbakasyon dito. Kahit kailan hindi ko ginustong umalis ng Cebu. Naroroon ang buhay ko. Ang mga alaala ng mga magulang ko. Ang kabuhayang iniwan nila sa akin.             At si Kiefer....                ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD