[Annika] Sabay kaming dumating ni Klarence sa malaking cottage malapit sa dalampasigan kung saan isinilbi ang almusal naming lahat. Pinapauna ko na siya pero ayaw niyang umalis na hindi ako kasama. "Nakaalis na si Tito?" malamig na tanong ko dito. Galing ako sa loob ng CR. Mabilisan akong tumakbo kanina nang kumatok si Tito Hernan. Idinahilan na lang ni Klarence na naliligo pa ako kaya hindi pa kami nakarating. "Yup. Go take a fast shower para makarating na tayo dun," sagot nito. "Ang landi-landi mo kasi! Pinapasundo lang ako sa iyo may kalokohan ka pang ginawa!" angil ko dito. Pilyo itong ngumiti. "Nagustuhan mo naman di ba?" sabi nitong nangingiti. "Leche ka! Umalis ka na dito! Susunod na lang ako dun!" sagot ko dito. "Nope...hindi ako aalis dito nang hindi