[Annika] Nagising ako sa maingay na tunog. Akala ko ay nananaginip lang ako, pero gising na ako at lahat ay naririnig ko pa rin ang tunog ng makina ng helicopter. Teka! Paano naman magkakaroon ng helicopter dito sa resort ko?? Napilitan akong idilat ang mga mata at saka dali-dali akong bumangon. Nagpalinga-linga pa ako sa kuwarto para siguraduhing kuwarto ko nga ito. Hinampas ko pa ang sarili kong braso para makasiguradong hindi lang ako nananaginip. Aray! Confirmed naman na nandito talaga ako sa kuwarto ko! Pero dinig na dinig ko pa rin ang ingay. Nagmamadali akong bumaba sa kama ko at saka mabilis na nagmumog. Ipinusod ko lang ang buhok ko at saka humablot ng cardigan bago lumabas ng kuwarto ko. Halos laka