[Klarence] "Hey, bro! Bakit ka nag-walk out dun? Nakakahiya ka. Alam mo ba yun?" Tiningnan ko ng matalim si Chad. Pilit ko na ngang kinakalimutan yung eksena dun kanina pinapaalala pa. “Annika! Anong kalokohan yang ginagawa nio?!" galit na sita ni Tito Hernan. Kahit ako ay nainis sa nakita kong eksena. Naghaharutan si Annika at yung Kiefer at may isa pang babae. Ang nakakainis dun ay yung pagkakayakap sa kanya nung Kiefer! Bakit ganun lang kadali magpayakap sa kanya sa kung sinong lalaki? Nagkabalikan na ba sila? Ibibigay niya sa akin ang virginity niya, tapos makikipagrelasyon siya sa iba? Sabagay, sabi nga niya - deal lang yun. Wala nang iba. Naputol ang iniisip ko nang may sumiko sa akin. Napatingin ako sa tabi ko. May inginuso si Adam sa harap namin