[Annika] Kabuwanan ko na, at nandito ako ngayon sa opisina ni Klarence sa AMCO. Hinihintay kong matapos ang board meeting nito. Gusto kasi niyang lagi siyang kasama kapag magpapa-checkup kami sa kambal. Yes. Kambal ang pinagbubuntis ko. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang 'naihabol' ni Klarence yung isa after ng kasal namin. Anyway, may pangalan na nga sila - si Ysabelle Camila at Ysobelle Angela. Pareho silang babae at okay lang naman daw kay Klarence dahil marami naman daw siyang panahong maghabol para sa isang anak na lalaki. Nung mag-lilimang buwan na ang tiyan ko ay ako na ang nagprisinta kay Klarence na sasama na ako sa kanya dito sa Manila. "Are you sure, love? The last time that we talked about it ayaw mong iwa