Madilim-dilim pa ang kalangitan kahit na mag-uumaga na. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang payapang karagatan. Kung may makakakita lang sa akin ay mapagkakamalan akong nababaliw na dahil kanina pa ako nakangiti. Ewan ko ba! Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sobrang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Napapikit ako nang humampas ang hangin sa mukha ko. Sa pagkakapikit ko ay naalala ko ang pangyayari kagabi. Napahinto ako sa paglalakad nang bumungad sa akin ang isang malaking bahay. "Kaninong bahay yan?" namimilog ang mga matang tanong ko. "Sa iyo iyan. Sa inyo ni Klarence. Diyos ko, friend! Masyadong in love sa iyo iyung bilyonaryong iyun para bilhin itong lote na ito katabi ng resort mo," sagot ni Beron. Ito ang pinagkakaa