Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Pilit kong idinilat ang isang mata ko. Umaasa akong si Klarence na ang tumatawag. Mula nang umalis kami ni Tito Hernan kagabi sa AMCO at makauwi kami dito sa Cebu ay wala na akong natanggap na tawag o text man lang mula dito. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng negatibo. Beron calling.... Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag ni Beron. Alam kong makikibalita ito sa lakad namin ni Tito Hernan sa Manila. Pero ano nga bang ikukwento ko sa kanya? Pinili kong huwag itong sagutin at saka inilagay sa silent mode ang phone ko. Muli akong pumikit para matulog. Pero hindi din ako makatulog dahil sa maya't mayang pag-vibrate ng phone ko. Wala akong nagawa kung hindi bumangon na para sagutin na a