"Ano'ng nangyari sa iyo kagabi, girl?" Tumingin ako kay Beron. Alas-otso na ng umaga at nag-aalmusal na kami. "Nangyari saan?" tanong ko na may kasama pang pagkunot ng noo. Pero sa totoo lang, alam ko ang tinutumbok ng tanong niya. Hindi na kasi ako lumabas ng bahay ko para maghapunan kagabi. "Yung totoo? Umiiwas ka kay Klarence, noh??" nanunukso na tanong nito. "Shhh! Ang bunganga mo! Mamaya may makarinig sa ‘yo ano pang isipin," pagsaway ko dito. "Oh sige. Tatahimik na ko, sagutin mo muna ang tanong ko. Oo o hindi?" nakangiting tanong nito. "Ang alin?" kunwari ay inosente kong tanong dito. Umikot ang mga mata nito na tila napipikon na sa akin. "Kung iniiwasan mo nga si Kla--"