"These Peruvian relics and statues collection dates from 18th century. Problema sa pag-ibig? Gusto mong makilala ang forever mo? I bet may isang santo diyan na pwedeng mag-grant ng wish mo. That's what they believe," paliwanag ko. "Nakita ko na." Mahina lang yun pero dinig na dinig ko. Nilingon ko si Klarence. Ewan ko ba pero na-frustrate ako na hindi pala ito sa akin nakatingin. Seryoso itong nakatingin sa isang santo dito sa loob ng Capilla Santa Ana. "Alin yun?" pertaining dun sa "nakita ko na' thing niya. "Eto," sabay nguso sa santo sa harap niya. Napakunot-noo naman ako. "Sa net ko lang nakikita ito eh. Ngayon, actual ko nang nakita. Thanks to you," Seryosong paliwanag pa nito, at saka bumaling