Mula nung bumalik kami ni Klarence sa mesa namin ay pinigil kong mapatingin sa gawi niya. Tila naman nakakaramdam yung tatlo niyang kaibigan na may kung ano sa pagitan namin ng kaibigan nila, kaya behave sila. Tahimik lang akong kumain. Pumalakpak. Nanood ng mga performance. Konting oras na lang....konting-konti na lang, Annika....hindi na magku-krus ang landas ninyo ng lalaking nasa gilid mo… "Bago natin i-announce ang winner ng dance competition, let me do the honor of announcing this to all of you..." Nagulat ako na nasa stage na pala si Mam Elvira. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Klarence at tila ba nagtataka din ito sa nangyayari sa stage. Agad ko din namang binawi ang tingin ko sa kanya. "Employees of AMCO, you are t