Nasa stage ngayon si Klarence. Since siya ang may-ari ng kumpanya, kaya obligado siyang magbigay ng Opening Remarks. Naging legal tuloy ang pagtitig ko sa mukha niya. And the way he delivers his speech? Full of authority. Lalo pa tuloy nadagdagan ang paghanga ko sa kanya. Kaya pala nung na-meet ko siya noong spirit siya ay ganun na lang siya umakto at magsalita. Palibhasa ay natural na pala sa kanya ang ganun. Akala ko ay sadyang pala-utos lang siya. Nang matapos ang speech niya at busy kami sa pagpalakpak ay biglang tumayo si Heather at sinalubong ito sa baba ng stage at saka niyakap ito. Kitang-kita sa mukha ni Klarence ang pagkabigla sa ginawa nito. Napalingon ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa at bulungan ng tatlo niyang kaibigan sa mesa nami