ME AND MY BIG MOUTH

1419 Words
            Pagka-alis ni Annika at ng kasama niya ay dumating naman ang mga kaibigan ko na sila Chad, Judd at Adam. Elementary pa lang ay magkakasama na kami. Nahiwalay lang sa amin si Judd nang piliin nitong mag-College sa Canada at doon na din mag-stay para magtrabaho. Umuwi lang dito si Judd dahil sa anunsiyo nila Chad na aalisin na iyong life support ko nung naka-comatose ako.             "Musta bro?!" bungad sa akin ni Chad, ang babaero at pinakamaloko sa grupo.             Actually, dalawa sila ni Judd na playboy at nagbibilang ng babae. Ang kaibahan nga lang, si Judd, sa Canada nagkakalat ng kamandag niya.             "Kung hindi lang kita kilala, bro. Iisipin kong sa itsura mo ngayon, mukha kang naguguluhang in-love..." bati naman ni Adam.             "Adam, bro? Si Klarence Montenegro yang kaharap mo. Ano ka ba? Wala sa bokabularyo niya ang ma-inlove," sabi naman ni Judd na bahagyang natatawa.             "Tigilan nio nga ako," iritableng sagot ko sa kanila.             "Uyyy...mukhang panalo itong mga pagkain dito oh..."             Napalingon kaming tatlo kay Chad na nagbubungkal sa mesa kung saan nakalagay ang mga dinalang pagkain ni Annika.             "Bakit hindi mo kinakain itong mga ito? Sarap ah! Um...." sabi pa ni Chad habang panay ang subo.             "Galing kay Annika yan," tipid kong sagot. Nakita kong makahulugang nagtinginan yung tatlo.             "Sino yun? Iyung pamangkin ni Tito Hernan na pinatira niya sa penthouse pad mo?" tanong ni Chad.             "Yeah," walang gana kong sagot. Alam kong may iniisip itong tatlong ito. Tinginan pa lang nila kabisado ko na.             "Maganda siya ha…."  nakangiting sabi ni Adam.             "Ah....oo.... tisay. Ang cute nga ng dimple eh," sagot naman ni Judd.             "At seksi!" sabat ni Chad na may kasama pang pag-muwestra ng katawan ng isang seksing babae.             Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang imahe ni Annika kanina habang inaayos yung mga dala niyang pagkain sa mesa. Nakatalikod ito sa akin pero kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan nito. Ang perpektong hubog ng puwet nito na tila ang sarap paluin.             "Klarence?" narinig kong tawag ni Adam             Damn! Ano bang iniisip ko??             "A-Ano yun?" kandautal kong sagot.             Kita ko naman ang pigil na pagtawa nung tatlo.             "What?" tanong ko sa mga ito.             "Ngayon ka lang namin nakitang affected sa isang babae," sagot ni Chad.             "Affected? Ako? Hindi ah. No way!" sagot ko.             "Bro... kung pasado naman sa iyo bakit di mo ligawan paglabas mo dito? Baka siya nga ang soulmate mo. Di ba sab inga niya siya lang ang nakakakita sa kaluluwa mo nung comatose ka?" nakangiting sabi ni Adam, at saka sumubo mula sa bowl na hawak.             Bago pa ako nakasagot ay nagsalita naman si Judd.             "In fairness, ang sarap ng lugaw na to, ha..." sabi pa ni Judd na sinunod-sunod ang pagsubo.             "Try mo itong Adobong Manok, Adam. Panalo!" singit naman ni Chad, at saka sumandok pa uli sa lalagyan na dala ni Annika.             "Talaga?" sagot ni Adam at saka naglakad papunta kay Chad. Paborito niya kasi ang Adobo.             Sumandok ito sa kinakain ni Chad at saka bumaling sa akin.             "Hey, bro! Not bad for a wife. Maganda na at seksi, tapos panalo pa sa pagluluto... ano pa bang hahanapin mo?" sabi ni Adam sa akin.             "I am not looking for a wife," walang gana kong sagot.             Biglang nagkatinginan iyung tatlo.             "Bakit ba ako ang dinidiin ninyo? Bakit kaya hindi kayo ang magsipag-asawa?" inis na dagdag ko.             "Well, ako... hinihintay ko lang si Gracie maging ready," sagot ni Adam.             "Sure ka na ba kay Gracie?" tanong ni Chad sa kanya.             "Oo naman! Kaya nga girlfriend ko siya, eh," sagot naman ni Adam.             "Mali ang tanong mo, Chad. Dapat ang tanong kung sure na si Gracie sa kanya. Eh nagiging boyfriend lang niya si Adam kapag naririto siya sa Pilipinas. Most of the time, sa ibang bansa siya naglalagi," singit ni Judd.             "Well, pinagbibigyan ko lang siya sa pangarap niya. When she’s already fulfilled, pwede ko na siyang yayaing pakasal," sagot ni Adam.             "Whoa! Eh sino yung isinama mo sa pad mo last time?" tanong dito ni Chad.             Kunot-noong tiningnan siya ni Adam.             "Yung slim na slim na mahaba ang buhok," sabay muwestra sa porma ng katawan.             "Ha? Wala naman akong isinama sa pad ko kung hindi si Hannah lang." sagot dito ni Adam.             Nanlaki ang mga mata ni Chad. "Si Hannah? Yung kaibigan ng pinsan kong si Mitch? Di nga? Si Hannah iyun? Wow, bro! Ang ganda na niya ngayon ha…" hindi makapaniwalang tanong ni Chad.             "Oo nga," tila naman umiiwas na sagot ni Adam, dahil sa pag-ilap ng mga mata nito.             Inilapag ni Adam sa mesa ang hawak niyang bowl at saka nagsalin ng tubig at saka ininom yun.             "Biro mo yun.... babaeng-babae na pala si Hannah ah. Masarap ba?" tanong ni Chad kay Adam.             Sukat doon ay biglang naibuga ni Adam ang tubig na iniinom niya. Nagtawanan kami nila Chad.             Nilingon kami ni Adam habang pinupunasan ang ibabang parte ng mukha niya habang natatawa kaming nakatingin sa kanya.             "Isinama lang sa condo may nangyari na agad?" sagot nito.             "Eh anong gagawin nio doon? Maglilinis ng unit mo?" birong sagot ni Judd.             "Di ba pwedeng nagkuwentuhan lang? P-Palagay kasi ang loob ko kay Hannah. Yun lang. Kahit naman noon pa ganun na ako kay Hannah," pagtatanggol ni Adam sa sarili niya.             "Yes, bro. Kahit noon pa, iba na ang treatment mo kay Hannah. Baka akala mo hindi ko nakikita..." sabay turo pa nito sa dalawang mata niya gamit ang dalawang daliri niya.             "Bakit ba ako ang naging topic dito? Eh si Klarence ang pinag-uusapan?" pag-iiba ni Adam sa usapan.               Nagtawanan na lang kami ni Chad. Lumapit sa akin iyung dalawa, si Chad at Judd. Samantalang naiwan si Adam sa kinatatayuan niya.             "Kidding aside bro, masaya kami at nakikita ka na naming tumatawa ngayon. Akala namin malalagasan na tayo ng isa," seryosong sabi ni Chad.             "Yeah. Akala namin pagdating namin sa morgue ka na namin makikita. Kahit kailan talaga cause of delay itong playboy na si Judd eh. Muntik na kaming ma-late ng dating nung supposed to be araw ng kamatayan mo," sabi naman ni Adam, na nakalapit na din sa amin.             "Bakit parang sa tema ng pananalita ninyo, parang gusto nio na talaga akong mamatay." sabi ko sa kanila.             "Baliw! Nanghihinayang sana ako kung nagkataon, bro. Sayang kasi yang kargada mo ni hindi man lang nagka-kalyo kung nagkataon," sagot naman nito.             "Ul*l!" sagot ko dito sabay tawa nilang tatlo.             "Seriously, bro. Kalimutan mo na yang pangarap mong maging matandang binata. Kanino mo naman ipapamana yung kumpanya mo kung hindi ka mag-aasawa at magkaka-anak?" sabi ni Chad.             Huminga ako ng malalim.             "Papasok ako sa relasyon. Tapos ano? Hihiwalayan lang ako ng girlfriend ko. Iiwan lang ako? Yung parents ko nga iniwan na lang ako basta-basta," sabi ko sa kanila.             "Bro, bakit naman yun agad ang iniisip mo? If you really love each other wala naman siyempreng mangyayaring iwanan. Saka, aksidente naman yung nangyari kila Tita. Hindi naman siguro nila ginustong iwanan ka agad," paliwanag ni Adam.             "Hindi nio alam ang pakiramdam na maiwang nag-iisa." sabi ko.             "Hey, bro! Hindi mo ba iko-consider na baka totoo nga iyung sinasabi ng babaeng yun na nakakausap niya yung kaluluwa mo nung comatose ka? And of all people, bakit siya lang ang nakakakita sa yo? Malay mo, you're destined to be with her," singit ni Judd.             "Tsk! Romance writer ang babaeng ‘yun. So madali lang sa kanya ang gumawa ng mga kuwento," sagot ko.             "Pero bro, at least kilala mo na siya dahil pamangkin siya ni Tito Hernan. Maybe she would be a good wife…" sabat ni Adam.             "Nah. As I have said, gumagawa lang ng kwento iyung babaeng ‘yon. At hindi ko bibilhin ang kwento niya. Hindi porke pamangkin siya ni Tito Hernan, feeling close na agad siya sa akin. Kaya huwag nio nang ipilit sa akin yung babaeng yun. Period!" madiin kong sabi.             "Wag kang mag-alala, Klarence. Bukas na bukas, paaalisin ko na si Annika sa pad mo. Pasensiya na sa kaguluhang dinala ng pamangkin ko."             Napalingon kaming apat sa may pinto             "T-Tito Hernan..." nahihiya kong sabi.             Hindi namin napansin na nakapasok na pala si Tito Hernan. Hindi ko alam kung ano pang narinig niya sa usapan naming tatlo.             Bahagyang yumukod si Tito Hernan sa amin na tila nahihiya. Nakita kong lihim na napatingin sa akin sila Chad at Adam na tila sinisisi ako.             Alam kong gagawin talaga ni Tito Hernan iyung sinabi niya. Ang nakakapagtaka lang ay para bang may lungkot akong naramdaman sa isiping aalis na si Annika sa bahay ko.       ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD