"Good morning..."
"Good morning din," tinatamad na balik-pagbati ko kay bossy spirit pagkalabas ko ng kuwarto. Iyun ang napili kong itawag sa kanya since isa siyang spirit, technically dahil hindi naman siya katawang tao at napaka-bossy kasi niya. Parang laging nag-uutos kapag nagsalita na.
Pupungas-pungas na naupo ako sa sofa. Inilapag ko sa center table ang bitbit kong laptop at cellphone. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at saka pumikit.
Naging normal na sa akin na si bossy spirit ang sumasalubong sa akin pagkagising ko. Anong magagawa ko? Kung sinasabi niyang bahay niya ito, ano namang karapatan kong paalisin siya dito. Basta ang usapan lang, off limits siya sa kuwarto at sa banyo, at hindi kami magkakaproblema.
"Argh! Antok pa ko!" sabi ko at saka inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Paano naman ako makakapagsulat nito kung antok na antok pa ako? Paniguradong walang papasok na idea sa kukote ko nito.
"Panay kasi pagpupuyat mo kasama nung lalaking long hair," narinig kong komento ni bossy spirit.
Napadilat ako bigla. "Excuse me?" angil ko dito.
"Sa palagay mo, bakit ako laging napupuyat? Di ba dahil sa yo? Eh kung ibinibigay mo na ba ang pangalan mo at kung anong nangyari sa iyo at kung nasaan ang katawan mo eh di hindi ako mahihirapan ng ganito!" inis kong sabi dito.
Nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha nito. Nakaramdam naman ako ng guilt kahit papaano.
"Anong magagawa ko eh sa wala talaga akong maalala..." malungkot na sabi ni bossy spirit.
"Pero yung bahay na ito at yung mug mo naaalala mo?" inis na sagot ko sa kanya. Kapag ganitong kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapag-almusal, madali talaga akong mainis.
"Sorry..." sabi nito at saka yumuko.
Nakaramdam naman ako bigla ng awa para dito.
"Tsk! Sige na. Sorry na din. Para ka naman kasing boyfriend na nagseselos eh," kalmadong sabi ko dito para lang pagaanin ang pakiramdam nito.
"Boyfriend mo na ba yun?" bigla namang tanong nito.
"Of course not. Cute siya...oo. Pero isang lalaki lang ang minahal ko. At mamahalin ko," wala sa loob na sabi ko.
Bigla ko tuloy naalala uli si Kiefer. Kumusta na kaya siya ngayon? Hindi kaya niya ako hinahanap?
"M-May asawa ka na?" pagpuputol ni bossy spirit sa iniisip ko.
Napanguso ako. Dadagdagan pa nito ang sama ng loob ko eh!
"Hindi ko siya asawa," sabi ko sabay irap sa kanya.
"Ah...boyfriend pa lang..." sabi uli nito.
"Hindi ko na din siya boyfriend," inis na sabi ko. Bakit ba itong topic na ito ang pinag-uusapan namin?
Natigilan ako Hanggang ngayon ang sakit pa din sa dibdib ko na maalala yung nangyaring pang-iiwan ni Kiefer sa akin sa araw ng kasal namin.
"Ang gulo mo. Alam mo ba yun?" narinig kong sabi ni bossy spirit.
Nilingon ko ito. "Hindi niya ako sinipot sa araw ng kasal namin," sabi ko sabay bawi ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi babagsak na naman ang mga luha ko.
"Anong dahilan niya?" tanong nito.
Nagkibit-balikat ako. "Ewan! Wala siyang sinabi. Basta hindi na lang siya sumipot." sabi ko habang nagpipigil umiyak.
Wala na itong sinabi. Hindi ko alam kung wala siyang maisagot o ayaw na lang niyang humaba ang usapan namin dahil ramdam niya na maiiyak na ako.
"Ikaw? May asawa ka ba? O girlfriend?" naisipan kong itanong sa kanya. Baka-sakaling may maisagot siya na makatulong sa paghahanap ko sa katawan niya.
Nakita kong natigilan ito. "Aw! Sorry...wala ka nga palang naaalala...." sabi ko dito.
"Ano na ba kasing nangyayari sa mga ginagawa ninyo nung lalaking yun?" tanong nito sa akin, na tila inis ang timbre ng boses nito.
"Grabe ka naman sa 'ginagawa'...parang ang sagwa pakinggan!" inis na sagot ko dito.
"Sorry. What I mean is--"
"Oo na..sige na. Ikaw talaga...kung hindi lang ako naaawa sa yo..." putol ko dito. Tumayo ako mula sa sofa.
"Wait. Sa kitchen tayo. Gutom na ko. Sasabihin ko sa iyo habang nagluluto ako." sabi ko dito at saka ako naglakad papuntang kitchen.
Masyado na akong sanay sa presensiya ni bossy spirit. Actually, para ngang hindi na espiritu ang trato ko sa kanya. Parang normal na tao na ang tingin ko dito.
"Naalala ko na yung pangalan ng mga gasoline stations nio. So, na-trace na namin ni Duncan yung name ng company nio." paliwanag ko habang kumukuha ako ng itlog mula sa ref.
Nilingon ko ito at nakita ko ang tuwa sa mukha nito.
"Ang problema, maliban sa website ng company nio at contact numbers na naroroon, walang nakakaalam kung nasaan ka talaga. Ang alam lang daw nila is nasa vacation ka. Pati si Tito Hernan, hinanap ko wala din silang alam. Baka daw magkasama kayo." paliwanag ko habang isinasalang ang kawali sa induction cooker.
Nilingon ko ito nang wala akong narinig na sagot dito. Nakita kong malalim itong nag-iisip.
"Makapag-isip naman to, akala mo naman may naaalala..." birong sabi ko dito.
Pero hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko kasi matalim ako nitong tinitigan.
"Oopss! Sorry..." hinging paumanhin ko sa kanya at saka ako nag-peace sign. "Kasi naman...kung may naaalala ka ba eh di sana wala tayong problema ngayon..."
"Hindi naman siguro ako hihingi ng tulong sa iyo kung may naaalala ako di ba?" medyo mataas ang boses na sagot nito.
"Oh, ayan... nagsusungit ka na naman," sabi ko habang binabaligtad yung Sunny Side Up na niluluto kong itlog.
"Asan ba kasi yung Tito Hernan mo kamo? Sabi mo siya ang nagpatira sa yo dito?" tanong nito.
Kumuha ako ng slice ng tasty at saka naglagay ng dalawang piraso sa plato kung saan ko nilagay yung dalawang piraso ng niluto kong itlog.
"Oo nga. Pagkahatid niya sa akin dito, nagpaalam siya na pupuntahan ka. Pero hindi na siya nakabalik. Sa palagay mo, asan na ang Tito ko?" balik-tanong ko sa kanya.
"As if naman, masasagot ko ang tanong mo," inis na sagot nito.
"See? Ngayon nagtataka ka kung bakit ako napupuyat? Daig ko pa kaya si Sherlock Holmes sa pinapagawa mo sa akin!"
"Sino naman yun?" inosenteng tanong nito.
Napahinto yung pagsusubo ko ng itlog sa bibig ko. "Mahabang paliwanag. Wag mo na lang intindihin!" sabi ko sa kanya at saka ko itinuloy ang pagsubo.
Nakita ko namang kumunot ang noo nito.
"So mamaya anong gagawin ninyo?" tanong nito.
"Ayan na naman iyung term mo na ‘gagawin’. Parang ang dating sa akin, naglalandian lang kami ni Duncan kapag nagkikita kami. Hindi po kami magkikita ni Duncan mamaya, boss. May pupuntahan silang bahay. Silang mga Spirit Questors."
Para namang nadismaya ang itsura nito.
"Wag kang mag-alala. Nag-promise naman si Duncan na sasamahan ako bukas," buwelta ko.
"Saan naman kayo pupunta?" kunot-noong tanong nito.
"Iisa-isahin daw namin yung mga hospital na maaaring pinagdalhan sa iyo kung sakaling naaksidente ka. Possible daw kasi na comatose ka lang kaya hindi ka niya nararamdaman. Ibig sabihin nga hindi ka pa patay. Good news di ba?" nakangiting sabi ko at saka uminom ng kape.
Nang bigla akong may maalala. "Naku! Sorry...nagamit ko na naman itong mug mo..." sabi ko habang hawak sa kamay ang mug na inaangkin niyang kanya.
Ngumiti ito. For the first time ngayon ko lang nakita ito na ngumiti ng genuine.
"Okay lang. Ano ba naman yan kung ikukumpara sa ginagawa mo para sa akin..." sabi nito.
Lalong lumabas ang kakisigan niya. Ngayon ko lang napagmasdan uli ang mukha nito. Pangahan pero bumagay naman sa kanya. Tila may lahi itong foreigner base sa mata at kutis nito. Ang lalong nakatawag pansin sa akin ay ang manipis nitong mga labi.
"Naguguwapuhan ka sa kin noh..."
Para namang bigla akong nagising sa sinabi nito. Hindi ko namalayang napatagal ang pagtitig ko sa kanya.
"Ha? Ano yun?" taranta kong tanong dito.
Ngumiti ito.
"Grabe ka makatitig sa akin. Crush mo na ko ano?" tila nanunuksong sabi nito.
"Hala! Hala! May alam ka pang crush-crush eh hindi mo nga alam pangalan mo!" kunwari ay galit-galitan kong sabi para pagtakpan ang pagkapahiya ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay namumula ang mukha ko.
"Ang mabuti pa...mag-isip ka kung anong pwede mong maitulong sa akin. Sa amin ni Duncan para matapos na iyang problema mo. Naaabala mo na ang pagsusulat ko ha...fyi lang," kunwari ay pagalit ko dito.
Pinigil kong mapalingon sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag napatingin ako sa mukha niya hindi ko na naman mapipigilan ang sarili kong titigan ito.
Aminin mo na kasi, girl...may crush ka na diyan kay bossy spirit!
~CJ1016