MISSION IMPOSSIBLE?

1588 Words
He is not a spirit. Hindi pa siya patay.               Napatitig ako sa labas ng salamin nang maisip ko yung huling sinabi ni Duncan kahapon.             Nasa pastry shop uli ako kung saan kami unang nagkita. May meet-up uli kami ngayong dalawa. Marami pa akong mga katanungan sa kanya. Hindi ko alam kung alin ang mas madali - yung nalaman kong hindi siya espiritu o sana naging espiritu na lang siya?             Kung espiritu siya, solve na agad ang problema kasi andiyan si Duncan. Nasa kanya lahat ng kaalaman pagdating sa bagay na yun.             Pero since hindi siya espiritu...saan ako mag-uumpisa? Mismong siya, hindi niya alam ang pangalan niya. Paano ko hahanapin ang katawan niya? Writer lang ako hindi imbestigador. Hindi ko napigilang mapahinga ng malalim.             "Sobrang lalim naman nun baka hindi ko masisid," Napalingon ako sa harapan ko.             "Duncan? Andiyan ka na pala?"             "Not long enough para marinig ang napakalalim mong buntonghininga..." sabi nito sabay upo sa tapat ko.             Napailing ako.             "Marami kasing tanong sa isip ko."             "Like what?" tanong nito.             "Bakit hindi niya alam kung sino siya?"             Ngumiti ito.             "Sino? Yung spirit?"tanong nito. Marahan akong tumango.             "Sabi nila, ang isang taong nasa coma ay fully aware and conscious kahit na nasa coma state ito. Pero ang espiritu nito ay maaaring maglakbay sa labas ng kanilang katawan. Pwede ring ang nangyari dun sa spirit ay ang tinatawag na 'consciousness transfer'." paliwanag nito.             "Ano yun?" tanong ko.             "They say that this is something they do every time people sleep - but in a coma, they can keep a smaller percentage of body consciousness than normal, but they are always connected through a thin gray thread."             Hindi ko pa rin masyadong ma-gets kaya mataman pa rin akong nakatingin sa kanya.             "In his case, masyado na siguro siyang napalayo sa katawan niya kaya may mga bagay na nakalimutan na niya o pansamantalang nabura sa isip niya. Masyado nang manipis yung gray thread na nag-uugnay dun sa spirit at s katawan niya kaya nahihirapan na siya makabalik doon. "             "O-kay.... anong kailangan niyang—I mean, anong kailangan kong gawin?"             "Kailangan niyang makabalik sa katawan niya. A-S-A-P.," sagot nito.             "Paano siya makakabalik? Ni hindi nga niya alam kung sino siya. Kung hindi niya alam kung sino siya paano siya makakabalik sa katawan niya? Paano ko hahanapin ang katawan niya?" sunod-sunod kong tanong.             "That is the problem..." sabi nito habang tumatango-tango.             "Anong mangyayari kapag hindi siya nakabalik sa katawan niya?" tanong ko uli dito.             Ilang sandali itong tumitig sa akin. "Baka hindi na siya makabalik. Forever," sabi nito.             Oh no! Para forever niya akong bulabugin? No way!             Naihaplos ko ang kamay ko sa leeg ko. Paulit-ulit kong pinadaan ang kamay ko dito na para bang sa pamamagitan nun ay makakahanap ako ng solusyon sa problema ko. Correction. Problema pala ni bossy spirit.             "Hey! Pulang pula na yang leeg mo," natatawang puna ni Duncan.             "Nakakainis naman kasi! Ang hirap!" sagot ko sa kanya.             "Bakit mo naman kasi siya poproblemahin? Kung ano yung nagawa mo ngayon, sapat na yun," sabi nito.             Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. "Hindi mo naiintindihan...ako lang ang nakakakita sa kanya. Sa palagay mo ba, patatahimikin niya ako? Lalo na kung hindi ko nagawang pabalikin siya sa katawan niya," nagpapanic kong sagot sa kanya.             "Well...kapag ganap na siyang kaluluwa, pwede ko na siyang tulungang makaalis dito sa mundo." sagot nito             "Sa palagay mo ba hindi ako dadalawin ng konsiyensiya ko nun? Imbes na tulungan ko siyang madagdagan ang buhay niya, parang lalo ko lang pinadali ang kamatayan niya." sabi ko.             "Well...If you want to pursue this...I am telling you, it will be very, very difficult for you..."             Huminga ako ng malalim.             "Wala na kong magagawa...kesa naman hindi niya ko patahimikin."             "You can vacate the house anytime...anyway, hindi ka naman talaga dun nakatira di ba?" suggestion nito.             "Yeah. Pero hindi naman ako pwedeng basta-basta na lang umalis nang hindi ako nagpapaalam kay Tito Hernan. Isa pa nga yun, hindi ko alam kung nasaan ang Tito ko. Nag-aalala na din ako. Ilang araw ko na siyang hindi ma-contact."             "If that's your decision..." sabay kibit-balikat nito.             "Thank you sa lahat ng tulong mo, Duncan. I really appreciate it...ang una kong dapat problemahin sa ngayon ay paano ako mag-uumpisa," sabi ko dito sabay tapik sa kamay nitong nakapatong sa mesa.             "Hey! Do not worry. Sasamahan kita sa misyon mo," sabi nito.             Namilog ang mga mata ko. "Really??" hindi ko mapaniwalaang tanong.             "Yup!" nakangiti nitong sagot.             Wala akong pagsidlan sa tuwa. Kahit papaano, may makakatuwang naman pala ako sa misyon kong ito. Pero biglang napawi ang saya ko nang may maalala ako.             "Wait...magkano mo naman ako sisingilin? Baka hindi ko kaya ang bayad," nag-aalala kong sabi dito.             "Ano ka ba? Wala naman akong sinabing may bayad," sagot nito.             "Are you kidding me?" tanong ko dito.             "Mukha ba akong nagbibiro? Mukha lang akong guwapo," sabi nito sabay tawa.             Inirapan ko ito. "Naisingit mo pa yun eh noh!" biro ko dito na tinawanan lang nito.             "Oh sige. Kung talagang seryoso kang tulungan ako, saan tayo mag-uumpisa?" tanong ko dito.             "If I may ask...natanong mo ba sa kanya kung bakit doon siya nagpunta sa bahay na yun? Or....may binabalikan ba siya dun? Or may kakilala siya dun--"             "Ang sabi niya sa kin...bahay daw niya yun. Kaya nag-assume ako na siya yung boss ng Tito ko." sabi ko dito habang inaalala yung unang pagkikita namin ni bossy spirit.             "That's it. Posibleng humiwalay yung kaluluwa niya sa katawan niya kasi unconsciously, hinanap nito yung dati niyang routine na pag-uwi sa bahay niya. Kaya lang... sobrang napalayo yung kaluluwa niya sa katawan niya kaya hindi siya nakabalik agad dito."             Mataman lang akong nakatingin kay Duncan habang unti unti kong ina-absorb sa isip ko yung sinabi niya.             “Ibig mo bang sabihin, in coma iyong boss ni Tito Hernan ko? Pero wala naman siyang nabanggit na ganun sa akin. Ang lagi lang niyang bukambibig sa akin, pupuntahan niya yung boss niya.”             “Pwedeng oo…”             "So, paano siya makakabalik sa katawan niya?" tanong ko dito.             "That is the question! Asan ang katawan niya?" balik tanong sa akin nito.             "Hi-Hindi ko alam..."             "Wala bang nabanggit sa yo ang Tito mo? Kung may nangyari ba sa boss niya? Or....any story?"             Pilit kong inaalala kung may nabanggit si Tito Hernan sa akin pero wala talaga akong maalala.             "Wala....wala kaming napag-uusapan. Maliban dun sa araw na inihatid niya ako dun sa bahay. Pagkahatid niya sa akin umalis na din siya agad kasi pupunta pa daw siya sa boss nga niya."             "So, anong pangalan ng boss ng Tito mo?”               "Klarence."             "Klarence what?" agad na tanong ni Duncan.             Natigilan ako. Kung bakit bigla kong nalimutan ang apelyido nito.             "Wait. Bakit ba biglang nawala sa isip ko ang apelyido nun?" sabi ko kay Duncan.             "What? Hindi ba kayo laging nag-uusap ng Tito mo? Hindi nio man lang napagkuwentuhan kahit minsan?" hindi makapaniwalang tanong nito.             “Sandali. Alam ko iyun. Na-mental block lang ako,” sabi ko kay Duncan sabay pikit.             "Actually ilang beses na din namang nabanggit ni Tito ang apelyido nun. Kahit kapag umuuwi siya sa Cebu. Hindi lang talaga ako ganun ka-interesado," paliwanag ko.             Nakita kong bahagya itong natawa.             "Bakit?" tanong ko. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?             "Easy…. masyado ka namang seryoso diyan sa misyon mo…" natatawang sabi nito.             Napansin siguro agad nito ang paniningkit ng mga mata ko sa kanya.             "Ewan ko ba? Dinala lang naman ako dito sa Manila ng Tito ko kasi gusto niyang maiba ang environment ko. You see, I am mending a broken heart. Nag-aalala lang sa akin si Tito Hernan na baka kung anong maisipan kong gawin doon sa Cebu. Mag-isa na lang akong namumuhay doon." sabi ko sabay irap sa kanya.             "Nag-break kayo ng boyfriend mo?" medyo nangingiting tanong nito.             Humugot muna ako ng malalim na hininga.             "More than that. Hindi niya sinipot ang kasal namin," napapiyok pa ako sa huling sinabi ko.             Nakita kong biglang nagseryoso ang mukha ni Duncan. "Sorry..."             "Okay lang. Nangyari na eh," sabi ko sa kanya, sabay kibit-balikat.             "Anyway...change topic. Ibalik na lang natin sa misyon mo. Picture? Baka may picture ka man lang nilang magkasama ng Tito mo?"             Umiling lang ako.             "Sa social media accounts ng Tito mo..."             "Walang ganun yun. Napaka-busy na tao nun," sagot ko.             "Anong pangalan ng kumpanya nila?"             "Uhm....wait. Ah.... Mon... Mon... Mon-something tapos Company eh..." sabay pikit ko.             Pilit kong inaalala yung pangalan ng kumpanyang pinapasukan ni Tito Hernan.             "Anong nature nung company?" dinig kong tanong ni Duncan habang nakapaikit pa din ako.             Nagdilat ako ng mata. Nasalubong ko ang tingin nito.             "Gasoline stations...naaalala ko kasi kapag umuuwi si Tito sa Cebu may pinamimigay siyang mga kalendaryo sa mga staff namin sa resort."             "So anong pangalan nun?" tila excited na tanong ni Duncan, na tila ba biglang nakasilip ng pag-asa.             "Teka...hindi ko maalala," naiinis kong sabi.             Napasandal sa upuan si Duncan na tila ba hopeless nang maaalala ko pa yun. Napatingin ako sa labas ng glass wall na nasa tabi ko. Malay ko bang magiging parte ng buhay ko balang araw ang pangalan ng kumpanya ni Tito Hernan?             Palibhasa ang atensiyon ko noon ay puro na kay Kiefer lang. Kahit kaliit-liitang detalye basta tungkol kay Kiefer ay alam ko. Wala akong pinapalampas noon basta si Kiefer ang involve.               Pansamantala kong nalimutan yung tungkol sa pangalan ng kumpanya ni Tito. Naaliw ako sa mga dumadaan na ibat-ibang klase ng mga sasakyan. Nang biglang manlaki ang mga mata ko nang dumaan sa harap namin ang isang fuel tank truck.   AMCO Petroleum....               "Yun nga!!!"    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD