DUNCAN PEREZ

1683 Words
            "Hi! Duncan Perez...."             "H-Hi! Have a seat," anyaya ko dito.             Napagpasyahan kong makipag-meet up na lang muna dito sa pinakamalapit na kainan mula sa tinitirhan ko. Gusto ko munang makilatis nang maayos ang lalaki bago ko isama sa bahay ng boss ni Tito Hernan.             Mahirap na. Baka mamaya ay magnanakaw pala ito at limasin ang laman ng bahay. Malalagot ako kay Tito Hernan kapag nagkataon!             "Sorry...I cannot remember if I got your name yesterday...."             "Annika," tipid kong sabi.             Tumango-tango lang ito.             "Baka may gusto kang orderin?" tanong ko dito. Nasa isang pastry shop kami. Tiningnan nito ang nasa harap ko. Pagkatapos ay sumenyas sa isang waiter.             "So... how can I be of help to a beautiful lady?" tanong nito sa akin pagkakuha ng waiter sa order niya.             Hindi ko mapigilang humanga sa kaharap ko. All the while akala ko ang imi-meet ko ay isang middle aged na lalaki na base sa ginagawa nitong pag-hunt ng mga espiritu.             Bukod sa medyo bata pa ito ay masasabi kong magandang lalaki talaga ito. Hindi nakabawas sa gandang lalaki nito ang may kahabaan nitong buhok at manipis na balbas at bigote. Para pa ngang iyon pa ang nakakadagdag sa appeal nito.             "Miss Annika??" tila naaaliw na sabi nito.             Bigla tuloy ako nahimasmasan nang marinig kong tinawag nito ang pangalan ko. Nasa harap na din niya yung in-order niya.             Shocks! Gaano katagal na ba akong nakatitig sa kanya???             "Uhmm...s-sorry...may naalala lang ako," sabi ko sabay dampot ng milk tea sa harapan ko para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Nakayukong sumipsip ako sa straw.             Nakakahiya...             "So... how can I help you?" narinig kong tanong nito.             Nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang nakangiti nitong mukha. Hindi ko alam kung sadya lang ba siyang palangiti o palihim niya kong pinagtatawanan sa inakto ko.             "Yeah. You see Mr. Perez--"             "Duncan na lang, Annika. Can I call you by your first name?" putol nito sa akin.             "Y-yeah. S-sure."                    Porke first name basis lang, nauutal ka na agad, Annika?             "Uhrm. By the way, meron kasing makulit na kaluluwa na nambubulabog sa akin. He is asking for my help."             "He. So lalaki ang espiritung umiistorbo sa yo. How sure are you na lalaki nga ito?" tanong nito.             "Cause I can see him face to face. I can talk to him face to face." sagot ko dito.             Ngumiti ito. "Hindi kaya nagagandahan lang sa yo yung espiritung yun kaya lumalapit sa yo?"             "Huh? Seryoso ba yan?" nagtatakang tanong ko.             "Well...pwedeng yes. Pwede din namang hindi. Depende dun sa espiritung yun..." nakangiti pa din nitong sabi.             Pilit kong hinanap sa mukha nito kung seryoso ba ito sa sinasabi niya pero mukha namang hindi ito nagbibiro.             "So, what do you suggest?" tanong ko dito.             "I need to go to your house. I must personally feel him, sabi mo nga it's a guy. Talk to him and offer prayers especially for him."             "Magkano mo naman ako sisingilin, Mr.-- I mean Duncan. You see...hindi sa akin ang bahay na yun. Pinatira lang muna ako ng Tito ko for some personal reason on my part. And hindi malinaw sa akin kung nasaan yung may-ari, which is yung boss ng Tito ko. Pero nagkikita sila lagi kasi iyon ang laging paalam sa akin ng Tito ko na pupuntahan niya yung boss niya. Baka I need to seek permission first sa owner o sa Tito ko na magdadala ako ng ibang tao doon."             "I see...." tatango-tangong sagot nito.             "But I cannot advise you anything unless pumunta ako sa bahay kung nasaan yung espiritu na sinasabi mo," dagdag nito.             "Ganun ba..."             "By the way, what makes you look for a person like me. I mean seek advice from a paranormal expert. Masyado ka na bang ginugulo nitong espiritu na to? Is he threatening or scaring you?" tila nag-aalalang tanong nito.             "No. Actually, two days pa lang naman kaming nagkaka-encounter. But napaka-persistent niya. He wanted me to help him. At mukha namang hindi siya nagloloko nang sabihin niya sa kin iyon. He's serious." sabi ko dito habang nasa isip ko ang imahe ng mukha ni bossy spirit.             "Okay...mukha namang he really needs help. So... when can I go with you? Do not worry. I just want to assess the spirit. You do not have to pay me. Okay na ko dito sa inorder ko." nakangiting sabi nito.             "Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.             Kasi kung gagastos ako ng malaki, wala akong dalang malaking halaga dito sa Maynila. Iniwan ko sa Cebu ang passbook ko dahil wala namang ganung banko dito sa Maynila.             "Yup! If you are in doubt na baka masamang tao ako..."             May dinukot ito sa likurang bulsa niya. Inilabas nito ang wallet niya at saka may kinuha doon.             "Here's my NBI..." sabay lahad nito ng isang papel sa harap ko.             Sandali ko itong tiningnan. Pagkatapos ay mataman ko itong tiningnan. Kung hihintayin ko pa ang pagbabalik ni Tito Hernan, baka hindi na ko tumagal sa pangungulit ni bossy spirit. Isa pa, baka hindi ko na matapos yung kuwentong sinusulat kong novel.             "Kailan ka available para magpunta sa bahay? I mean sa tinitirhan ko ngayon." tanong ko dito.             "I'm free today," kaswal na sagot nito.             "Agad-agad?"             "Yup! It will only take a few minutes. Hindi pa aabutin ng isang oras. I have to just feel the places in the house kung saan naglalagi yung spirit."             "Okay, sige. Para matapos na ko sa espiritung yun," sang-ayon ko dito.             "Wait. Magbabayad lang ako," sabi ko dito at saka naghanap ng staff.             "Don't worry. Kanina pa bayad," nakangiting sabi nito.             "Huh? Kailan mo binayaran? I mean...hindi ko napansin..."             Holy cow! Mahirap na. Baka mamaya magwa-1-2-3 pala tong lalaking to, madamay pa ko!             "Kanina pa. Nung sinerve yung order ko," nakangiti pa ding sabi nito. Ganun ako ka-concentrate tumitig sa kanya kanina? Hindi ko namalayang nabayaran na niya yung inorder namin?             "Let's go?" narinig kong aya nito.                 "MAG-ISA ka lang dito?" tanong ni Duncan ilang sandali pagkapasok namin sa bahay.             "Oo. I mean, sa ngayon. Kasi umalis si Tito Hernan ko. Hindi ko pa alam kailan siya babalik." Tama bang sinabi ko sa kanya na ako lang ang nandito? Ano ba naman, Annika?             "Kaya siguro ikaw ang napuntirya nung spirit," sabi niya habang nagpapalinga-linga sa paligid.             Nakasunod lang ako dito habang dahan dahan itong naglalakad. Halos naikot na namin ang buong bahay. Pati dun sa pool at sa mini garden ay napuntahan na namin. Nasa sala na uli kami ngayon at kasalukuyang nakaupo na sa sofa habang umiinom ng juice.             "Sa ngayon, wala naman yung spirit dito. Baka mamaya--"             "Pero kanina pa natin siya kasama sa buong ikot natin sa bahay." putol ko dito.             Maang itong napatitig sa akin na para bang bigla na lang may tumubong kung anong kakaiba sa mukha ko.             "Are you serious? Hindi ko siya nararamdaman," sabi nito.             "Yeah. Andiyan siya sa tabi mo ngayon. Nakatayo."             May kinuha ito sa knapsack niyang dala. May inilabas itong isang handy na aparato at saka in-on. Lumikha ito ng matinis na ingay at saka nito itinutok niya ito malapit sa gilid niya.             "What's that?" nag-aalala kong tanong sabay tingin kay bossy spirit. Baka mamaya may masamang epekto iyun sa kanya.             Pero mukha namang walang epekto sa kanya yung gadget ni Duncan.             "Don’t worry. It’s just an energy locator. I am trying to sense the spirit's energy. Mas high kasi ang energy nila kaysa sa ating mga tao," paliwanag nito.             Pagkatapos ng ilang tila paghahanap nito ng signal sa gadget niya ay pinatay na niya ito.             "So??" agad na tanong ko kay Duncan.             "Walang nasagap na spirit energy ang device ko," seryosong sabi nito.             Napatingin ako kay bossy spirit.             No! Hindi totoo ang sinabi niya. Malinaw na malinaw sa mga mata ko ang nakikita ko. Matino pa ang isip ko. Hindi pa ako nababaliw!             "Anong....hindi. Totoo. Nakikita ko siya," sabi ko kay Duncan.             Nakatitig lang sa akin si Duncan na para bang pinag-aaralan ako. Biglang nanlaki ang mga mata ko.             "Wait. Anong iniisip mo? Iniisip mo bang nababaliw ako? No! Nakikita ko talaga siya! Andiyan siya sa tabi mo," nagpa-panic kong sabi kay Duncan.             "Relax....hindi yan ang iniisip ko," mahinahong sabi nito, habang nakataas ang kamay na para bang pinapakalma ako.             "Then what??"             In-on uli nito ang gadget niya at saka itinapat sa akin, tapos sa kanya.             "Pwede bang tumayo ka muna at pumunta dun sa malayo?" utos nito sa akin habang nakaturo sa may sliding door palabas sa mini garden.             Atubiling sinunod ko siya sa pagbabakasakaling magiging malaking tulong iyon.             "Nandoon pa rin ba siya sa sinasabi mong puwesto niya?" malakas na sabi nito para marinig kong mabuti.             "Yes," tipid kong sagot.             Mula sa puwesto ko ay nakita kong in-on uli nito ang gadget niya at saka itinuro sa may tapat niya at sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay in-off na niya uli ito.             "You may go back here," sabi niya sa kin.             Agad naman akong tumalima sa sinabi niya. Umupo ito sa sa mahabang sofa. Umupo naman ako sa tabi nito.             "I'm sorry to say, Annika. Pero it's confirmed na wala tayong kasamang spirit dito sa loob," malumanay na sabi nito.             Napaawang ang mga labi ko. Ano ito? Nababaliw na ba ako? Epekto ba ito ng pinagdaanan ko kay Kiefer? No! Alam ko sa sarili ko na nasa matino akong pag-iisip. Napatingin ako kay bossy spirit.             "Sabi ko sa yo di ba.... ikaw lang ang nakakakita sa akin," mahinahon na sabi nito.             Out of desperation, napahawak ako sa braso ni Duncan.             "Tama! Yun ang sabi niya sa akin. Na ako lang ang nakakakita sa kanya. Iyon nga!" nagpa-panic na sabi ko dito. Hindi ako naniniwalang may saltik na ang utak ko.             "Relax, Annika. May isa pa akong sasabihin sa yo."             "Then tell me," kinakabahang sabi ko dito.             Ayoko mang marinig mula sa kanya ang kinatatakutan kong marinig pero gusto ko pa ring malaman. Pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik.             "Tatlong human energy ang nasagap ng device ko," sabi nito.             Bumukas-sara ang bibig ko.             "Hindi ko maintindihan...." sabi ko kay Duncan habang magkadikit ang mga kilay ko.             "He is not a spirit. Hindi pa siya patay."       ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD