THE RETURN

1456 Words
            "Te-teka muna. Bakit ako?" nalilitong tanong ko dito. Hindi ko na ito nagugustuhan sa totoo lang.             "Dahil ikaw lang ang nakakakita sa akin! Ilang beses ko bang uulitin?"             Napaawang ang mga labi ko. Sasagot sana ako pero parang biglang hindi ko alam ang sasabihin ko.             "Pa-paano naman nangyari yun?" may pagrereklamo kong tanong.             Ayoko namang maka-bonding ang multong ito forever! Gusto kong mamuhay ng normal. Ang magka-lovelife. Ang magkaroon ng s*x life. s*x life??? Erase! Erase! Erase! Nahahawa na ako kay Beron!             "Believe me. Hindi ko alam," iritado na ding sagot nito.             "Baka naman...baka naman...hindi mo sinubukang makipag-usap sa iba. Gaya ng ginagawa mo sa akin ngayon."             "I tried," humalukipkip pa ito.             Kung sino man ito sa past life niya, paniguradong may authority ito noong nabubuhay pa. Halata sa mga salita at galawan niya.             "Baka naman ako eh niloloko mo lang na kaluluwa ka..."             "Nope!"             Eto na naman siya sa tonong boss niya. Napaupo uli ako sa upuan at saka napahawak uli sa sintido ko. Dati story plot lang ang iniisip ko. Sino naman ang mag-aakala na mag-iisip ako ng solusyon sa problema ng isang kaluluwa? Itong kaluluwa na ito, binigyan pa ako ng problema!             "Okay.... tama! Tama....kailangan nating makahanap ng espiritista!" sabay pitik ko pa ng dalawang daliri ko.             "Ano yun? Are you sure with that?" kunot-noong tanong nito.             Napaismid ako dito.             "Hanep ka ding multo ka eh noh? English speaking..."             "Hindi. Ako. Multo!" gigil na sabi nito.             Tinaasan ko ito ng kilay. Aba...in-denial pa itong multo na to!             “Okay, itatama ko. Kaluluwa,” sagot ko sa kanya.             “Nope.” pagkontra nito sa sinabi ko. Ang arte lang ha….              “O sige, espiritu. Para matapos na tayo —"             “Hindi din,” sagot nito na para bang ayaw ipakita sa akin ang inis niya.             Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napipika na ako sa ‘ewan’ na to!             "So, kung hindi ka multo o kaluluwa o espiritu....eh ano ka?" tanong ko dito.             Ibinuka nito ang bibig nito. Pero agad din nitong isinara. Saka parang tila nag-isip.             "Don't know..." bagsak ang balikat na sagot nito.             Para namang bigla akong naawa dito.             "Okay. Okay! Sige na. Kung ano ka pa man, tutulungan na kita!" sabay kamot ko sa ulo ko. Bakit ba hindi ko mahindian itong multong to?!             Nakita kong biglang umaliwalas ang mukha nito. Sa pangalawang pagkakataon, muli kong napagmasdan ang maamo nitong mukha. Sayang talaga ang kaguwapuhan nito.             May girlfriend na kaya ito? Sa gandang lalaki nito malamang may asawa na ito.             "May naiisip ka bang solusyon sa problema ko sa pagtitig mo sa kin?"             Nagulat ako sa sinabi niya pero pilit kong hindi pinahalata.             Shocks! Gaano katagal na ba akong nakatitig sa kanya?             "O-Oo naman! I-iniisip ko kung saan ako mag-uumpisa. Ang suplado mo namang multo ka! Ikaw na nga lang tong nakikiusap sa akin eh!" sabay irap ko dito.             "Okay. S-Sorry na."             "Eh bakit parang napipilitan ka lang mag-sorry?" pagtataray ko dito.             "Para kasing...pakiramdam ko...hi-hindi ako sanay nagsasabi ng sorry...parang hindi ako yung taong nagso-sorry." sabi nito.             "Uy, correction ha...hindi ka na tao. Kaluluwa ka na. Or whatever," sabi ko sa kanya.             "Whatever. Pwede bang umpisahan na nating maghanap ng solusyon sa problema ko?" ma-awtoridad na tanong nito.             "Ayan! Ayan ka na naman...nagiging bossy ka na naman...." sabi ko sa kanya.             Nagparoon parito ito sa harapan ko na tila nagpipigil ng inis. Salubong ang dalawang kilay nito at magkalapat ang mga labi. Bigla naman akong kinabahan. Baka mamaya ay magalit ito sa akin at saktan ako. Mahirap pa naman kalabanin ang isang kaluluwa.             "Sige na. Sorry na. Oh, quits na tayo ha...nag-sorry ka sa akin. Nag-sorry na ko sa yo. Umpisahan na natin ang misyon natin. Okay?"               Nakita ko namang kumalma ito. Kinuha ko ang laptop ko at saka nag-umpisa nang tumipa. Nang iangat ko ang tingin ko ay wala na ang "bossy spirit" sa harap ko. Buong akala ko ay umalis na ito pero nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.             "Anong ginagawa mo?"             Bahagya akong napasinghap sabay napahawak sa dibdib ko.             "Pwede ba?! Wag kang nanggugulat!" inis na sabi ko dito.             "What? Lumipat lang naman ako dito sa likod mo. Masama na ba iyon?" sabi nito.             Huminga ako ng malalim.             "Next time...magpaalam ka naman kapag lilipat ka ng puwesto. Papatayin mo ko sa gulat eh!"             "Okay! Okay!" sabi nitong nakataas pa ang dalawang kamay na parang susuko.             Ibinalik ko ang atensiyon ko sa screen ng laptop ko. Nag-type ako sa search bar ng Google.   Ghost buster               "Anong ghost buster? Ipapa-salvage mo na ba ako?" galit na sabi ni bossy spirit.             Napalingon ako sa kanya at saka napakamot sa batok ko.             "Ano ba dapat?" naiinis kong tanong sa kanya.             Kita ko ang pagtiim ng bagang niya.             "Oh! Oh! Galit ka na naman...chill....akala mo ba madali lang itong pinapagawa mo sa kin?" sabay talikod ko dito at saka uli hinarap ang laptop ko.             Buburahin ko na sana sa search bar iyong tinype kong Ghost buster nang may mahagip ang mga mata ko sa screen ng laptop. Ghost Tales From A Spirit Questor               Napangiti ako. Mukhang eto na ang sagot sa problema ko. Binuksan ko ang article at saka ito binasa.             "Eto! Buti na lang may nakalagay na contact number!" natutuwang balita ko kay bossy spirit.               Nakitaan ko din naman ito ng tuwa sa mukha niya. Mukhang nahihirapan na din siya sa sitwasyon niya. Bigla tuloy akong na-guilty sa mga pagsusungit ko sa kanya.             "Tatawagan ko na ha..." sabay dampot ko sa phone ko at saka nag-dial.             Pero nakaka-ilang ring na ay wala pa ring sumasagot sa tawag ko. Ilang beses ko inulit ang tawag pero ganun pa rin.             "What?" iritadong tanong ng aburidong kaluluwa sa likod ko.             "Tsk. Nagri-ring lang eh."             "Humanap ka na lang ng iba." sabay turo nito sa laptop ko.             "Opo boss." sarkastikong sagot ko dito.             Narinig kong bumuntonghininga ito sa likuran ko. Binasa ko yung iba pang article na lumabas.             "Yung iba, walang contacts. Tapos base dun sa ibang article, iyong si Duncan Perez ang lumalabas na pinakamagaling na spirit questor, among others." malamig na sabi ko sa kanya sabay hilot sa batok ko na nangawit sa pagbabasa.             Nagparoon-parito na naman ito sa harapan ko. Tiningnan ko ang mukha nito at mukhang ang laki-laki ng problema niya.             "Look...may bukas pa naman. Try ko uli maghanap. For the meantime, magluluto na ako. Kanina pa ako nagugutom. Palibhasa hindi ka nakakaramdam ng gutom." sabi ko dito sabay tayo mula sa upuan.             Alam kong habang naghahanda ako ng pagkain ko ay nakamasid si bossy spirit. Hindi ko na lang ito pinapansin at patuloy lang ako sa niluluto ko. Nasanay na din yata ako na nasa paligid lang siya.             "Kain tayo..." aya ko dito pagkahain ko ng mga pagkain sa mesa.             "Ikaw na nga ang nagsabi hindi ako nakakaramdam ng gutom." tila naiinis na sagot nito.             "Nakakailang naman kasi kung hindi kita aayaing kumain. Parang bad manners kung basta na lang ako uupo dito at kakain nang hindi ka man lang ina-aya."             "Okay. I understand." sabi nito at saka tipid na ngumiti.             "Bagay pala sa iyo ang ngumingiti." sabi ko dito. Napangiti na din ako. Tila naman napahiya ito sa akin kaya minabuti kong kumain na lang at huwag na siyang pansinin.               "WALA ka bang balak umalis?" tanong ko dito habang hinuhugasan ko ang pinagkainan ko.             "Bakit mo naman ako pinapaalis? Saan naman ako pupunta?" balik-tanong nito sa akin.             Nagkibit balikat ako. "Ewan. Bakit kahapon umalis ka?" tanong ko uli dito.             "Nagagalit ka na kasi..."             Napangiti ako.             "So, sa akin ka pala natakot? Wow ha..."             "Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan..." sabi nito na may lungkot sa mata niya.             "O siya sige. Dumito ka muna. Pero promise mo dito ka lang! Wag mo akong susundan sa banyo. Kung hindi...magagalit na naman ako sa yo!"             Kanina ko pa kasi gustong mag-shower pero nag-aalala ako na silipan ako ni bossy spirit.             "Okay. Promise." sabi nito sabay taas pa ng kamay niya na parang nanunumpa.                 ILANG beses kong sinigurado naka-lock ang pintuan ng banyo.             Susme! Tumigil ka na nga, Annika. Eh wa-epek naman yang lock na yan dun sa kaluluwang yun! Tatagos lang naman siya at makakapasok na siya dito.             Nagkibit-balikat na lang ako at nag-umpisa nang maligo. Ang balak ko ay mabilisang shower lang. Naiilang pa din ako na nasa labas lang si bossy spirit. Patapos na ako nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko.             "Annika..."             Bigla akong napasigaw at napalingon sa may pintuan. Awtomatikong hinablot ko agad yung tuwalyang malapit sa akin at saka itinakip sa katawan ko. Andun nga si bossy spirit pero nakatalikod naman ito. Ganunpaman, nag-init pa din ang ulo ko.             "Di ba sabi ko--"             "Sorry. Nagri-ring kasi yung phone mo. Duncan Perez ang nakalagay sa screen..."       ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD