Hati ang emosyon ko habang sakay kami ni Tito Hernan ng eroplano pauwi ng Cebu. Masaya ako at sa wakas ay makakabalik na ako ng Cebu. Pero hindi buong-buo ang kasiyahan ko. Pakiramdam ko ay may kalahati sa pagkatao ko na naiwan sa Manila. Sumilip ako sa labas ng bintana kahit alam ko namang puro ulap lang ang makikita ko. "Okay ka lang ba, iha?" narinig kong tanong ni Tito Hernan sa tabi ko. Nilingon ko ito at saka ngumiti. "Oo naman po, Tito! Medyo inaantok lang. Maaga kasi tayong gumising," sagot ko. "Bakit nga ba kasi parang nagmamadali ka namang umalis. Ni hindi man lang kami nakapag-usap ni Klarence. Papunta pala ng Hongkong bukas yung batang yun sabi ni Chad." Dalawang araw, pagkalaya ni Tito ay lumipad na nga kami pa-C