Ika-anim na araw na ni Klarence dito sa resort. Awang-awa na ako dito. Araw-araw ay may pinapagawa si Tito Hernan sa kanya at wala naman akong magawa. "Pa-kiss ako mamaya ha," mahinang sabi ni Klarence sa akin nang abutan ko siya ng tubig. Kasalukuyan silang nagpipintura ng bakod ng resort. Buti naman at pinatulungan na siya ni Tito Hernan sa dalawa naming staff. "Wag ka ngang magulo diyan. Mamaya niyan marinig tayo ni Tito..." sagot ko. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot si Tito kapag magka-usap kaming dalawa. Pero ganunpaman, patago kaming nagtatagpong dalawa sa tulong ni Beron. Wala namang nangyayaring kakaiba sa amin kung hindi puro halik at yakap lang. Gusto lang naming i-enjoy ang kung anong meron sa amin ngayon.