Sinubukan kong pihitin ang doorknob bago kumatok. Pero bukas naman kaya pumasok na ako sa loob. "Klarence??" tawag ko dito. Hindi naman masyadong madilim sa loob dahil nakabukas naman ang mga dim light sa ceiling. Wala ito sa mini sala kaya naglakad pa ako papasok sa pinaka-kuwarto. "Here, love..." narinig kong sabi ni Klarence. Nakahiga ito sa kama. Mukhang masama nga talaga ang pakiramdam nito. Lumapit ako dito. "May lagnat ka ba?" Itinaas ko ang kamay ko para sana salatin ang noo niya pero nagulat ako nang hinuli niya ang kamay ko at saka ako hinila patumba sa kanya. "Aaayyyy!" "Sshhh.... ang eskandalosa mo, love.... hindi pa nga tayo nag-uumpisa eh.... napapa