Kasalukuyan akong nagmamasid sa mga taong paroon at parito. Abalang-abala ang lahat kaya walang pumapansin sa akin. "Bestfriend!!" Nilingon ko si Beron. "Bakit di ka pa natutulog? Kailangan nagbyu-beauty rest ka na ngayon." Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ako makatulog...." Bisperas ng kasal namin ni Klarence ngayon at lahat ng tao sa resort ay abalang-abala sa pagluluto at sa pag-aayos ng reception area. Naka-check-in na din sa resort ang mga tatayong principal at secondary sponsors namin. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nagawang i-prepare lahat ni Klarence ang kasal namin sa loob ng isang linggo. Sabagay, ano nga bang imposible sa isang bilyonaryo? "Normal lang da