"Wala si Klarence, Annika." "Aaahhhhh!!!" sigaw ko habang isa-isa kong sinisira ang mga dekorasyon sa dapat ay reception ng kasal namin ni Klarence. Bawat madaanan ko ay hinihila ko -- kurtina.... tablecloth. Basta may nakaharang na silya o mesa ay sinisipa ko o hinahagis ko. Yung mga staff sa resort ay walang magawa at tahimik lang na nakatingin sa akin. Nang minsan ay nasulyapan ko pa si Manang Sol na tahimik na umiiyak sa isang bahagi ng resort habang nakatingin sa akin. Gusto kong mailabas ang galit ko. Lahat ng galit ko! Ano ba kasing kasalanan ko para dalawang beses kong maranasan ang abandonahin ako sa araw ng kasal ko? "Bestfriend....tama na...." Nagulat na lang ako nang hinila ako ni Bero