"Tsk! Ngayon mo sabihin na gwapo ka. Ni hindi mo makumbinsi na iuwi dito ang mamanugangin ko." Pambubuska sa akin ni mama ng sabihin kong hindi ko pa nga nakukumbinsi si Avery na pakasalan ako. "Mama, hindi naman iyon ganun kadali." "Anong hindi ganun kadali. Sadyang hindi uubra ang kagwapuhan mo sa kanya dahil mas gusto niya ang mas bata hindi sa tulad mong matanda na." "Mama! Sumusobra na yata kayo sa pagmamaliit niyo sa akin. Anak niyo ako baka nakakalimutan niyo." "Itatakwil kitang anak ko kapag hindi mo agad ako nabigyan ng apo." Napailing ako dahil sa naging takbo ng pag uusap namin ni mama. Masyadong minamaliit niya ang kakayahan kong makuha ang loob ni Avery. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga na sapo ang sintido kong naupo sa kabilang panig ng sofa. "Kung hindi mo m

