"Avery!" Hindi maitago sa tono niya ang gulat ng makita niya ako. "Why are you here?" Tanong pa niya na iginala ang paningin na para bang nagkamali ng ward na pinasukan hanggang sa magawi ang tingin niya sa kanyang ina "Mama mo siya?" Ako naman ang nagtanong ng pareho na kaming mapatingin sa kanyang ina. Tumango siya. "Yes," sagot niya. "Mama, ano na namang pakulo ito? Halos kalalabas niyo lang kahapon ng ospital pero nandito ulit kayo." "Hmmp, kung hindi dahil sa kawalan mo ng kakayahang iuwi ang mamanugangin ko ay hindi ako babalik dito. At sabi niya ay wala siyang boyfriend, ngayon mo sabihin sa akin na kasintahan mo siya." May panunumbat na tanong ng kanyang mama. "Mama," tumingin pa silang pareho sa akin kaya natahimik ako. "Hija, sabihin mo sa akin, kasintahan mo ba ang anak

