Hindi na ako nakatanggi kanina sa paghatid niya sa akin pabalik ng campus dahil sa nagpumilit ang kanyang ina na ihatid nga ako. Kapag hindi naman ako papayag ay hindi naman daw niyo ako papayagang umalis kaya wala na akong nagaw kundi ang pumayag sa gusto nila. Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Kendrick at wala akong balak magpasalamat o magpaalam sa kanya ng maayos. Wala ang kanyang mama para magpanggap kung ano ba talaga ang relasyon namin. Pabukas na ako ng pinto ng magsalita siya. "Umaasa si mama sa naging pagpayag mo kanina. Kaya bukas ay dadaanan kita para sa pagkuha natin ng certificate ng kasal natin." "Hindi na kailangan. Sabihin mo na lang kung saan tayo magkikita at pupunta ako, mr. Hidalgo." Narinig ko ang pinakawalan niyang buntong hininga at ilang sigundo din na hindi

