MALAPIT na malapit ng magdikit ang kanilang mga labi nang itulak niya ito ng bahagya para maghiwalay sila. Nang tingnan niya itong muli, salubong ang kilay nito at nagtataka ang mga mata. "Why?" mapait nitong anas. Tuluyang inilayo niya ang sarili rito. "N-nothing. It's just that…" "What, Sandy? Come on, tell me." Tinitigan niya ito. Tinantiya niya kung ano magiging reaskyon nito sa sasabihin niya. "Ako pa rin 'to at ikaw pa rin 'yan, Glen, tama ka. Pero hindi na tayo kagaya noon. Marami ng nagbago sa akin. Lalong-lalo na sa 'yo. Look at yourself and me. Kung noon ay alangan na alangan tayong magkasama dahil sa mga apelyido natin, mas lalo na ngayon, Glen. Lalong lumaki ang agwat natin sa isa't isa." Kitang-kita niya nang dumilim ang mukha nito dahil sa mga sinabi niya. Bigla tuloy