TITIG NA titig ito sa kanya. Parang ayaw nitong kumurap na para bang kapag ginawa nito iyon ay bigla na lang siyang mawawala. "Ulitin mo nga ang sinabi mo," utos nito habang hinahaplos na muli ang kanyang mukha. Tumigil ito ng paghalik sa kanya pero hindi nito binigyan ng pagitan ang kanilang mga mukha. Nagbawi siya ng tingin. Ngayong nahimasmasan na siya ay bigla siyang nahiya sa ginawang pag-amin kanina pero huli na. Nasabi na niya kay Glenard na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. "You heard it right. Pero hanggang doon na lang 'yon, Glen. Just like what I've said, I'm preparing for my next project." Tinangka niyang humiwalay dito ng tuluyan at bumalik sa ginagawa niya kanina pero pinigilan siya nito. Hinila nito ang kamay niya. Ang ending ay bumagsak siyang muli sa didbib ni