INIRAPAN niya ito. Ang kapal ng mukha nito para umakyat dito at balewalain na lang ang naramdaman niya kanina. Sa inis ay tumayo siya at binuksan ng todo ang pintuan. "May gagawin pa ako. Lumabas ka na," matabang niyang sabi. Lumakad ito papunta sa kanya, pero sa halip na lumabas ay kinuha nito ang kamay niyang nakahawak sa doorknob. Pagkatapos ay isinara nitong muli ang pintuan. "What the—" salubong ang kilay na sinalubong niya ang titig nito. "Hindi ako lalabas dito hanggang hindi tayo nagkakausap ng matino, Sandy. I want to make things clear sa pagitan nating dalawa. " "You know what? Puro ka na lang usap, e. Hindi mo ba napapansin na tuwing magkausap tayo ay wala namang nangyayaring maganda?" iritado niyang sabi. Wala na siyang pakialam kung makita nito ang sakit na nakabalatay sa