"KUNG ALAM mo sa sarili mo na mahal ka rin ni Sandra, ano ang dapat mong problemahin? Kahit umalis siya, kung totoo ang pagmamahal na iyon, then babalik siya sa feeling mo. You should trust her. And that love you have for one another." Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Kapag nagmahal ka sa isang tao, never try to hold her back. Bigyan mo siya ng kalayaang abutin ang kanyang pangarap para ganoon din ang gawin niya sa 'yo. Kahit ang halaman, hindi nabubuhay ng walang sapat na espasyo para sa kanyang paglaki. Gano'n din ang mga tao," anito kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi lang sila naglalayo ng edad ni Pauline pero kung magsalita ito ay akala mo Lola niya. Gayunman, ito ang gustong-gusto niya sa babae. Good adviser ito. Kapag may problema siya ay palagi itong handang makinig at mag