HINDI makatulog si Glenard nang gabing iyon. Walang ibang laman ang isip niya kung hindi si Sandra at ang nangyari kanina. Biglang nag-iba ang lahat nang makita niyang nasa panganib ang dalaga. Parang bumalik siya sa dati na walang ibang gusto kung hindi ang protektahan ito, sa tuwing kailangan nito ng tulong niya. Alas onse ng gabi nang ipasya niyang bumangon. Tinungo niya ang veranda na kanugnog ng kanyang kwarto. Dumampi sa kanyang balat ang lamig ng hanging panggabi. Kasabay noon ay sabay-sabay bumalik sa kanyang isip ang mga ala-ala nila ni Sandra. Masasayang ala-ala magmula pa noong bata sila, hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon at muntik pa ngang mauwi sa kasalan. Wala sa loob na napahugot siya ng malalim na hininga. Kung alam lang sana nito na matagal niyang pinanabikan na mag