PAGKATAPOS muling hagurin ng tingin ang sarili sa salamin ay umupo siya sa gilid ng kama at nag-isip. "Paano niya kaya mahahalata na hindi ko na siya pinapansin?" mahinang tanong niya. "Alam ko na. Sasama ako sa Papa sa pangangabayo. Baka nagkikita sila ng Glenard na 'yon. Hindi magiging effective ang gagawin kong pang-i-snub sa kanya kung hindi kami magkikita. Tama. Iyon ang gagawin ko." Masayang bumaba siya at hinanap ang ama para itanong dito kung anong oras ito mangangabayo. Sa kasamaang palad ay huli na siya. Ayon sa kanilang tauhan ay nakaalis na raw ang kanyang Papa. Hinayang na hinayang siya. Laglag ang balikat na bumalik na lamang siya sa kabahayan. "Hindi bale, may bukas pa naman," aniya sa sarili. Aagahan ko nalang sa susunod para hindi ako maiwan." "Anong binubulong-bulo