"GLEN, thank you so much," aniya habang magkatabi silang kumakain. Kanina pa siya nagugutom sa simbahan dahil hindi rin naman siya nakakain ng mabuti kagabi. Pero ngayon ay hindi naman niya magawang mag-concentrate sa pagkain niya sa plato. Naaagaw ng mga bisita ang kanyang atensyon at masaya na siya habang pinanonood ang mga itong kumakain, nagkukwentuhan at bumabati sa kanila ng congratulations. "Salamat, saan, Sweetheart?" maang na tanong nito saka nakangiting nilingon siya. Binitiwan nito ang kubyertos at hinarap siya ng mabuti. Hinawakan niya ang isang kamay nito. Nang mga sandaling iyon ay hindi na naman niya mapigil ang maiyak. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na mag-asawa na sila ngayon ni Glenard. Na lahat ng pangit na nangyari sa kanila noon ay hinding-hindi na mangyayari