Chapter 110

1496 Words

GLENARD NARINIG niya ang malayos na pagkanta ng choir. Ang theme song nila ni Sandra na mas lalong nakapag-paantig ng kanyang damdamin. Alam niya na talagang maiiyak siya sa araw na ito. Espesyal na araw na talaga namang napakatagal na niyang hinihintay. Na akala nga niya ay hindi na mangyayari pa. Ang ikasal sila ng babaeng pinakamamahal. Ni Sandra. Sa hinaba-haba ng panahon at sa dami ng kanilang pinagdaanan, understandable naman siguro na siya ay umiyak. Bahala na kung pagtawanan siya ng mga bisita at nakakasaksi sa kasal nila nang mga sandaling iyon, sa simbahan na iyon di kalayuan sa rancho niya. Ang mahalaga ay narito siya. Nakatayo sa altar at hinihintay na makalapit sa kanyang ganap ang babaeng sinasamba. Kahit malayo pa ito sa kanya ay kitang-kita niya kung gaano kaganda si Sandr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD