HABANG naliligo ay naisip ni Glenard na mahuhuli na siya sa oras ng dinner na inihanda ng pamilya ni Mr. Ang para sa kanya. Pero hindi naman talaga maiiwasan iyon. Nagkaproblema kasi sa hacienda kaya hindi siya kaagad nakaalis. Kung pwede nga lang na hindi na siya pumunta. Nananakit kasi ang buong katawan niya. Bukod doon ay antok na antok rin siya. Halos dalawang oras lang kasi siyang nakatulog nang nagdaang gabi. Iyon nga lang ay nakatango na siya, kaya napipilitan man ay kailangan niyang magpakita sa mga ito. Pagkatapos maisuot ang jeans at short sleeve polo, pinasadahan niya ng suklay ang kanyang buhok. "Kailangan ko na talagang magpagupit. Mukha na akong hippie nito," bubulong-bulong na sabi niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Nasa garage na siya at pasakay na sa kanyang R