Chapter 76

1411 Words

BUMILIS ang pintig ng puso ni Sandra nang makaharap ang lalaking bisita nila ngayong gabi. Walang iba kung hindi si Glenard Galvez. Ang lalaking ilang ulit ng naging dahilan ng kanyang kabiguan at kamiserablehan. Sa apat na taong pagkuha niya ng mga larawan ay marami na rin siyang naging subject na mga gwapong lalaki. Pero aaminin niyang hanggang ngayon ay wala pa ring hihigit dito. Taglay pa rin nito ang karismang kahit sinong artist ay hahangarin na maging subject ito. Matapos ang ilang sandali ay natauhan siya. Kinastigo niya ang sarili at pinilit maging kaswal. Hindi na siya ang dating si Sandra na mahina at tatanga-tanga. At kailangang maipakita niya ang bagay na 'yon sa lalaking kaharap niya ngayon. Hindi niya napansin ang katahimikang namayani nang magtama ang paningin nila ng bin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD