Kabanata XXXIX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA "MAGKAKILALA NA KAYO?" Nagtataka pa rin ako sa mga nakikita ko at sa mga ginagawa nila. Hindi ako makapaniwala na sila ngayon ay nagkatagpo ng ganito. Kung pinsan ni Kulas si Veronica at pinsan ko rin si Veronica ay mayroon kaming magiging ugnayan. Hindi pa man ako nakapagsasalita ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na talagang wala akong masasabi sa mga nangyayari. Tiningnan nila ako at saka lumapit si Veronica sa akin. "Pinsan, Jimena, makinig