Kabanata XL Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA ANG KWADERNO NA KANIYANG pinulot mula sa mga gamit na nagkalat sa amingan ay kay Simoun daw, ang kaniyang tiyuhin. Tinanong ko siya kung kanino ba talaga iyon at kay Tiyo Simoun niya raw talaga iyon. Wala naman akong kibo nang sabihin niya iyon sa akin dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na mayroon din nito ang aking tiyahin. "Halika na," wika niya. "Sa dami ng gamit dito ay iyan lamang ang iyong kukunin? Gaano ba iyan kahalaga?" Tanong ko sa ka