Kabanata XLI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA "KULAS, HINDI AKO NANINIWALA SA'YO." Sigaw ko at padabog kong isinara ang pintuan nang makalabas ako. Patakbo kong tinungo ang kalesa at saka ako sumakay doon. "Jimena, bumalik ka dito," sigaw ni Kulas sa akin na ngayon ay nakasunod na pala. "Umuwi na tayo Kulas. Hindi ko na kaya pang malaman ang lahat ng bagay na hindi ko kayang tanggapin at maunawaan," sabi ko at saka umiwas ng tingin sa kaniya. "Pinuntahan kita dito upang hanapin ka at malalaman k