Kabanata XXX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA PAG-UWI KO SA AMING MANSION aya agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng silid ni Tiya Celeste. Kinuha ko ang susi sa mga taguan ng mga ito at dali-daling nagtungo doon. Wala si papa, sa tingin ko ay nagtungo siya sa ubasan kung saan nangyari ang engkwentro. Wala rin doon si Herman na sa tingin ko ay pumasok sa kanyang trabaho kung hindi siya sumama sa aking ama sa ubasan. Pagpasok ko sa loob ng silid ay agad akong nagbukas ng kanyang bintana. Nagpaling