Kabanata XXXI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA DAHIL SA KAKAIBANG pakiramdam ay isinara ko na ang mga bintana at lumabas na ako ng silid ni Tiya Celeste. Dali dali akong nagtungo sa aking kwarto at doon ay nagmuni-muni. Naupo ako sa gilid ng kama at doon ay nagsimula akong nag-isip ng mga bagay-bagay. Hawak-hawak ng kanan kong mga daliri ang baba ko habang nag-iisip. "Simoun," nabanggit ng aking mga labi. Siya ang naging kasintahan ng aking yumaong tiyahin. Siya ang nagbabantay sa manggahan noon. At ayon sa sulat