Kabanata XXXII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA NAGISING NA LAMANG ako nang maramdaman ko ang mga kalabit sa akin ni Herman. "Jimena, gumising ka na," aniya. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko ang liwanag ng ilawan at si Herman na kumukurap-kurap. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay nakahiga. "Gabi na pala?" Tanong ko. "Oo, at kanina pa kita hinihintay na magising," sabi niya sa akin. Unti unti akong bumangon at saka ako nakadama ng kaunting sakit sa ulo. "Kumusta na ang pakiram