Kabanata XLVIX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA DINIG NA DINIG KO ANG PAG-UUSAP NI PAPA AT NI ALING INICIA. Ngunit dahil sa humila sa akin at nagtakip ng aking bibig ay hindi ko narinig ang kung ano pa ang pinag-uusapan nilang dalawa ni papa. Sino nga kaya ang binabalak na ipaligpit ni Aling Inicia na siya niyang sinasabi sa aking papa. "Huwag kang tutungo doon. Huwag mong sisirain ang plano," wika ni Kulas na siya palang humila sa akin mula sa napipintong pagpasok ko sa opisina ni papa. "Kulas,