Kabanata XLVIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA ANAK! Narinig ko na ito dati pa ngunit hindi ko lamang talaga maalala kung saan ko ito napakinggan. Habang yakap niya ako ay naririnig ko ang kaniyang paghikbi. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong magawa ito sa'yo Veronica. Hindi ko alam kung aabot pa ako ngunit heto at yakap na kita," sabi niya saka kumalas ng yakap sa akin at saka ako pinagmasdan. Napapangiti at napapaiyak siya ng sabay. "Hindi ko po kayo naiintindihan Aking Felissa," sabi