Kabanata XLVII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA "SAAN TAYO PUPUNTA KULAS?" NAGTATAKA ako kung saan niya ako dadalhin at kung saan pupunta sina Emmanuel at Veronica. "Magtutungo tayo sa manggahan. Doon naman ang punta nating dalawa hindi ba?" Sagot niya. "Hindi ba't sasamahan ko lamang si Veronica sa manggahan dahil gusto niyang magtungo doon?" "Sasamahan ko ang tunay na Veronica sa manggahan dahil iyon ang kaniyang kagustuhan," sagot niya sa akin. "Alam kong ako si Veronica kahit pa hindi pa m