Kabanata XLVI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng maselang konteksto at kalagayan na hindi angkop sa mga taong hindi bukas ang isipan sa mga posibilidad at sa mga sensitibong mambabasa. Ano mang pagkakatugma at pagkakatulad ng mga tampok sa bawat kapitulo sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang isip lamang. JIMENA NAGISING ako ng kinaumagahan nang mayroong kumalabit sa akin. "Jimena, gumising ka na." Nagulat ako nang si Aling Inicia ang nakita kong gumising sa akin. Nagbukas siya ng kurtina at ng bintana. Agad akong napabango dahil baka nakakalat ang mga damit ko sa sahig at sa kung saan saan. Ngunit nang makita ko ang sarili ko ay nakadamit na ako. Nakadamit na ako. Wala na akong maalala sa kung paano ako nadamitan. Nagkamot ako ng ulo ko at inisip kung paano