(SETH VON ARCILLA’S POINT OF VIEW) “BAKIT mo sinabi iyon, Franceska?” I asked her nang makaalis si Mila ng tuluyan. I was shaking, ayokong ipaalam kay Mila na nalaman ko na ang totoo tungkol sa nakaraan namin. Natatakot ako na maging ganon ang reaksyon niya at ito naman si Franceska na nagsabi ng totoo sa kaniya. “Sinabi ko yun sa kaniya para malaman niya ang lugar niya!” sabi sa akin ni Franceska. “Lugar niya?” I asked her. “Paano kasi Seth, ginugulo niya tayo! Nalilito ka ng dahil sa kaniya at natatakot ako na baka balikan mo siya! For f**k sake's Seth niloko ka niya!” sagot niya sa akin “Hindi niya ako ginugulo Fran, at lalong hindi niya kailangang hanapin ang lugar niya dahil Mama siya ng anak ko at siya ang babaeng ma--” “Ano?! Sabihin mo sa akin ang gusto mong sabihin, Seth!