(MILA YSHNA ORDONEZ ARCILLA POINT OF VIEW) “ANONG ibig sabihin mong hindi ka na-kidnap, anak?” seryosong tanong ni Seth sa anak namin na si Tyrone.Nasa bahay na kaming tatlo at natapos na ang problema namin pero mukhang si Tyrone ang mapapasok sa problema ngayon. “Tyrone! Magsalita ka.” ma-awtoridad ang boses ni Seth ngayon. Nakatago si Tyrone sa Lolo at Lola niya. “Lola, help me. Help me,” sabi ng bata na para ba siyang pitong taong gulang na pinapagalitan. Napahawak na lamang ako sa sentido ko lalo't na't napapagtagpi ko na sa utak ko ang lahat. “Tyrone, alam mo bang halos mamatay kami ng Daddy mo sa pag-a-alala sa’yo na’ng makidnap ka. Kulang na lang ay liparin ko ang America para makita ka tapos sasabihin mong ‘di ka na-kidnap,” sabi ko sa kaniya sa mahinahong boses. “I'm sorry M